Sa dami ng networking company, bakit Technowise360 ang pinili kong salihan?May ilang dahilan kung bakit ang Technowise ang sinalihan ko kahit marami pa dyan ang ibang company na mas matagal nang nag-ooperate at may pangalan na.
Una, naniniwala kasi ako na ang mga networking company ay nandiyan hindi lang para kumita kundi para makatulong din. Yan ang palagi nilang sinasabi di ba? Tutulungan ka ng networking company basta sumali ka lang. Tutulungan ka na abutin ang mga pangarap mo. Tutulungan ka na kumita at iangat ang estadong pinansyal ng buhay mo, basta sumali ka lang. at marami pang klase ng pagtulong na gagawin ng networking company sayo basta sumali ka lang... sa halagang 7000, sa halagang 8000, sa halagang 16000 o sa halagang 32000.
WTF?! Ang mga nangangailangan ng tulong ay yung mga taong walang ganyang halaga na mailalabas kaagad.
Kaya Technowise360 ang pinili ko dahil hindi ito lumalayo sa realidad. 360 Pesos ang investment, napaka-affordable para sa marami na "TUNAY NA NANGANGAILANGAN NG TULONG". Ang mga tatargetin kong recruitin kasi ay yung mga "nangangailangan ng tulong" o yung gustong sumabak sa networking para iangat ang buhay nila sa maliit na "risk"/puhunan lang. Mga taong maliit ang kayang ilabas na perang puhunan (risk) pero malaki at matindi ang pangangailangan (motivation). Dahil sa aking palagay, yung mga ganung tao ang MAS nakararami.
Paano ko ito gagawin kung ang mahal ng ina-alok ko sa kanila diba? Oo, totoo ngang maliit lang ang 7000 kung ito ay puhunan at hindi karaniwang gastos lang. At malaki din talaga ang potential ng kita basta gagawin mo lang ng tama. Pero dapat kilalanin mo ang target market mo. Karamihan ng tao ay hindi pa kayang tanggapin ang ganyang ideya. Ang mga taong gusto mong "tulungan" (market) ay hindi yan kaagad matututunan.
Pero kung sa maliit na 360 pesos lang, sigurado yan. Mas marami ang lulunok ng ideyang "Maliit ang 360 Pesos para sa puhunang pang negosyo". Kung ma-lugi man at hindi mag-work out, para ka lang natalo sa Tong Its. LOL. Aminin mo, dama mo ang sinsabi ko dito mga online friends. 360 pesos lang? Malaki pa ang pusta mo sa DOTA dyan eh. O ang pang isang case na Red Horse.
Eto pa.. Pag maliit ang presyo, mabilis mabenta. Totoo ito sa halos lahat ng negosyo. Sabi nga ng mga negosyanteng Intsik "Liit mata, laki kita" or "Mura lang pero volume". Pag affordable ang ina-alok o binebenta, mas mabilis itong mabibili. Mas maganda ang galaw ng negosyo. Liquid, ika nga.
I-analyze natin..
Company X: Investment = 7000. Income Potential is 100,000 per month after trabahuhin ng 6 months na pa-post post lang sa FB.
Technowise360: Investment = 360 Pesos. Income Potential is 50, 000 per month after trabahuhin ng 6 months na pa-post-post lang sa FB.
Mas malaki ang potential income ng 7000 investment ano po? Ang tanong, kaya mo ba yan ilabas bukas? Ipagpalagay nating kaya mo yan bitawan bukas na bukas din dahil extraordinary at malupit ka mag-ipon. Eh yung mga target market mo na "nangangailangan ng tulong"? Sigurado ka bang kaya nila yan ilabas immediately? Baka yung 360 pesos kaya nila.. At hindi lang KAYA kundi KAYANG KAYA pa.
"The secret of getting ahead is getting started" sabi ni Mark Twain. Pero how do you get started kung hindi mo kagad mailabas ang puhunan mo?
You cannot defy the numbers. Huwag tayo lumayo sa realidad.. An average employed Filipino makes 480 pesos per day. Okey... may kumikita ng above average, mga 700 pesos per day. Nababasa mo ba yung mga numero na yan? 480 average, above average is around 700 per day. Hindi 7000. Inuulit ko, HINDI 7000.
Para makasali ka at ang target market mo bukas na bukas din sa Company X ay kailangan mo ng 7000 at para makasali sa Technowise360 ay kailangan mo ng 360. Kumikita ka ng 480 pesos as a minimum wage earner at around 700 pesos naman kung ikaw ay above minimum wage earner. Saang kumpanya mo pwedeng i-apply ang quote ni Mark Twain na "The secret of getting ahead is getting started"?
Alam nyo na ang sagot dyan mga online friends. Since 2009 pa tayo dito nagpapalitan ng mga diskarte natin kung paano kumita sa internet at marami na tayong natutunan and there's no doubt na naging WISE na tayo.
Dalhin na natin ang Make Money Online Adventures natin sa medyo mas exciting na level. Tinuruan ko kayo dati kung paano kumita ng pera sa internet gamit ang blogs nang walang inilalabas na pera. At base sa mga natanggap kong pasasalamat mula sa mga tagabasa ko dito ay marami-rami din ang kumita gamit ang tinuro ko.
At muli po kayo ay aking tuturuan kung paano naman kumita sa pamamagitan ng Facebook at Networking. 100% pure online din ito. Nasubukan ko na po. Maliit pa lang, pero tulad ng kinikita ko nun sa blogging, nagsisimula sa maliit tapos palaki ng palaki. Samahan nyo po ako pero yun ay kung kaya nyo lang. *eherm* 360 *eherm*.
Learn muna bago invest Click Here>>> Paano kumita ng pera sa Facebook. Paki share na rin po sa FB at iba pa.
Yun lang po.
Cheers!
-Mingkoy.











