Showing posts with label pera sa blog. Show all posts
Showing posts with label pera sa blog. Show all posts

Kumita ng Pera sa Internet Through MLM Kapartner si Mingkoy

No comments:
Paano Kumita ng Pera sa Internet Kaffea MLM Maliit Puhunan.
Magandang umaga mga tagasubaybay, ang article po na ito ay magtuturo kung paano kumita ng pera sa internet through MLM (Multi-Level Marketing) na may maliit na puhunan. Yung mga hindi business minded, pwede na pong tumakbo palayo pero yung mga gustong matuto, tuloy nyo lang ang pagbabasa at panoorin ang video presentation.



Pagakatpos nyo po panoorin at kayo ay interesado na mag-join at willing to take the 855 peso risk, mag-fill up na po kayo dito sa registration form. Pag nakapag-sign up na kayo, ipaalam nyo sakin sa pamamagitan ng pag-comment dyan sa baba para magabayan ko kayo. Ang susunod na gagawin ay ang pag-activate ng account. Dito mo na ilalabas ang 855 pesos mo. Ipadala nyo po ang membership payment ninyo through Cebuana Lhuillier. Ime-message ko kayo sa FB para sa iba pang detalye tungkol sa pagpapadala ng payment.

Pag na-confirm na ang payment ninyo, ipapadala na sa inyo ang inyong pin number na dapat nyo ilagay dun sa pin number field. Pag activated na ang Kaffea Account mo, pwede ka na mag-reffer gamit ang sarili mong referral link.

Kapartner si Mingkoy

Kilala nyo ako sa tawag na Mingkoy kung matagal na kayong tagasubaybay nitong blog ko pero para sa mga baguhan dito, welcome po at ako nga po si Mingkoy, ang inyong kapartner dito, should you choose to accept this offer. Ganito ang plano ko, kung sino man ang magiging downlines ko ay ipi-feature ko dito ang referral links nila (first two only).

Pag may nag-sign up under my referral link, makikita ko yun sa stats ng account ko sa kaffea kaya malalaman ko agad kung sino ang mga makakapartner ko.

Ang magiging benefits ng magiging downline ko ay ang mga sumusunod:

Yung unang dalawa na magsa-sign up under my referral link ang entitled sa lahat ng benefits dito. Yung pangatlo, pang apat, panglima and so on ay yung benefit number 2 lang ang matatanggap mula sakin.

Benefits ng mga partners ko:

1. Ilalagay ko dito ang mga referral link nila at sa mga previous posts ko. Para po sa inyong kaalaman, ang blog na ito ay tungkol sa pagkita ng pera sa internet at blog, meaning targeted po ang audience natin who are most likely business minded.

2. Tutulungan ko ang downlines ko na mag-refer through twiter, FB at iba pang social network kabiliang ang youtube gamit ang aking, well, 5 years na experience ko bilang internet marketer at blogger. After all, ang kapakinabangan ng mga downlines ko ay magiging kapakinabangan ko din. Pag kumita sila, kikita din ako kaya tulungan lang. In short, tutulungan ko kayo mag-pakalat ng link nyo as long as downlines ko kayo.

3. Ilalagay ko rin sa mga top ranking previous posts ko about making money yung tungkol sa Kaffea at syempre yung mga referral links ninyo for maximum exposure.

4. Pwede nila i-request na ang link ng kanilang downline ang ilagay ko dito sa blog na to imbes na ang link nila.

Ang hinihiling ko lang po sa magiging downlines ko ay maging madali sana sila makontak, at magbigay sila ng honest feedback at data sa magiging experience nila sa Kaffea. Dahil tulad ng nabanggit ko sa nakaraan kong entry, ang pagsali ko dito sa Kaffea ay dahil na rin nais kong malaman kung maaari nga ba kumita sa MLM kung ito ay online based. May pakiramdam na ako na ito ay kikita pero kailangan ko ng proof. Kailangan ko mahawakan ang pera. Kailangan ko marinig sa mga makakasama ko ang kanilang karanasan dito.

Yun lang po muna at bumalik balik na lang po kayo dito for updates.

Ang Landing Page at Ang Pagbagsak ng Earnings.

2 comments:
Bumagsak ang adsense earnings ng blog na ito, awts! Anlaki ng changes (negative changes) waaaah! Ung iba kong blog ok naman, pero ito biglang kahapon umabot sa zero point 15 ang earnings pero ngaun 3 dollars chuva chuva cents na ulit. Sa nakalipas na mga months kasi eh naglalaro na sa 1, 2, 3 hanggang 4 na dolyar ang average earnings ng blog na to per day eh. Chineck ko ang stats, pareho lang naman ngaun at kahapon. Pareho ang dami ng unique visitors at pareho ng bounce rate, di nalalayo ang bilang ng mga kliks at ganun din ang ctr. Pero bakit why? Actually, may idea na ako kung bakit bumagsak ang earnings nitong blog na to eh. Dahil yun malamang sa pagbabago ng top landing page ko.

Ano ba ang Landing Page?

Ang landing page ay yung pahina ng website or blog mo kung saan pumasok o naglanding or in other words nag-entrance ang isang visitor ng blog mo. Ok?

Sa mga nakalipas na linggo sa buhay ng blog na 'to ay ang top landing page nito or yung madalas pasukan or point of entrance (tama ba un) ay ang mga entry ko tungkol sa hayden kho and maricar reyes scandals at nanatili yun ng matagal. Pero just last week, biglang kumana yung post ko tungkol sa Ako Mismo Dog Tag at biglang kahapon ay nalamangan nya yung entry tungkol sa Maricar reyes anuhan scandal at tuluyang naging top landing page nga yung Ako Mismo Article ko for yesterday.

Paano ito nakaapekto sa earnings ng blog na to?

Ganito yan. Magkaiba ang mga ads na naka display sa page kung nasan ang Maricar Reyes at Ako Mismo entry. Magkaibang ads na nakadisplay malamang magkaiba rin ng rates di ba? Maaaring ang mga ads sa Maricar Reyes entry ay mas mataas ang bigay kaysa sa Ako Mismo entry ko. At dahil kahapon nga ay ang top landing page ko ay yung Ako Mismo Dog Tag entry ko malamang ay doon din na-generate yung mga clicks. Kaya ayun, biglang bagsak ang earnings.

Hay naku. Ano ang dapat gawin sa ganitong sitwasyon?

Ano pa? Eh di mag-post ng bagong entry. Simple lang naman eh. Mag-blog ka ng mag-blog, given na pinapraktis mo ang search engine optimization (SEO) ha, at dadami ang traffic mo. Ganito talaga, basta blog lang ng blog at SEO lang ng SEO. Dadami din ang traffic at dadami din ang earnings.^^

Ako Mismo Dog Tag: available this coming July!

24 comments:
If you are wondering where to get these cool Ako Mismo Dog Tags, it will be available for purchase at Mail and More outlets across the country for only P40. In fact the dog tags were first launched to public at the akomismo dog tag day held at the Fort Concert Grounds in Taguig last June 12 2009.

Here is a photo of the cool Ako Mismo Dogtag:



But, before you purchase one of these, you may want to make a pledge at akomismo.org

Why make a pledge? What for?

akomismo.org aims to advocate us Filipinos to make a stand and take action for the causes we really believe in which ourselves can truly pursue to make positive difference to our country. So, make a pledge for a cause you truly believe in. You choose what cause you will pledge in and pursue. Be a part of cause towards a good nation plus a cool Ako Mismo Dog Tag that rocks.

Hay Buhay! Blog Life.

No comments:
Hay naku blog life, akalain nyo, ang blog na ito ay natatagpuan ng mga tao sa pamamagitan ng paghahanap nila ng mga scandal videos nina Hayden Kho, Maricar Reyes, Katrina Halili, Ruffa Mae Quinto at Vicky Belo at hindi sa pamamagitan ng mga salitang "Pera Sa Internet". Well, may mga mangilan-ngilan na nakakarating dito na talagang naghahanap ng paraan kung paano kumita ng pera sa internet via blogging, pero kapansin-pansin na mas marami talaga ang mga visitors ng blog na ito na napadpad dito sa pamamagitan ng mga search query kaugnay ng Hayden Kho scandals nitong mga nakalipas na linggo.

Balikan ko lang ang aking layunin kung bakit ko sinimulan ang blog na ito...

Hindi masyadong matagal na panahon na ang nakalilipas, ako ay nagpasyang gumawa ng blog na syang magtatalakay sa blogging at kung paano ito maaaring pagkakitaan ng isang pinoy. Kung kaya sinimulan ko ang pag-gawa ng blog na ito na pinangalanan kong tentenenen! "Pera Sa Internet"!.

Bakit ko ito ginawa? Merong dalawang prinsipyo ang blog na ito:

Una. Para mas kumita pa ng pera sa internet. (Gusto ko sanang unahin na dahilan ko ay para makapagbigay ng kapakipakinabang na inpormasyon sa kapwa Pilipino pero magmumukha lang akong ipokrito, Hehe.)

Pangalawa. Makapag-provide ng medyo may silbing inpormasyon sa mga kababayan. (Yan, sa pangalawa na lang sya) ^^

Ang target readers ko lang sana sa blog na ito ay ang mga Pinoy internet users, ngunit ang inyong lingkod ay tao lamang at lubhang natukso sa potensyal ng blog na ito na kumita ng pera sa internet kung kaya ako ay nagpasya na magpost na rin ng English articles (kahit mali mali ang grammar) at mga topic na umaabot na sa puntong wala nang kaugnayan sa dapat na topic lang ng blog na ito: ang 'pera sa internet'.

Bakit nanaman?

Dahil sa pamamagitan nito, mas maisasakatuparan ko ang pangalawa at unang prinsipyo ng blog na ito.

Halimbawa, kung ang isang pinoy ay nag-search ng 'maricar reyes part 3 ' at sa kamalasan nya ay napunta sya dito sa blog na ito, syempre wala dito yung hinahanap nyang malaswang video na nag-aanuhan sa sofa sina hayden at maricar, malamang na mababasa din nya sa mga pahina nito ang tungkol sa pag-bla-blog at pagkita ng pera rito dahil nakabalandra sa palibot ng pages nito ang mga links ng 'paano kumita sa internet lessons' ko at pinagsisigawan na ng title ng blog na to di ba ang PERA SA INTERNET!. May posibilidad na magkainteres sya dito at magpatuloy sa pagbabasa ng mga entries ko tulad ng 'Paano kumita ng pera sa internet?' article ko. O di ba? May porsyento ng mga taong ito ang magbabalik sa blog na ito hindi dahil sa scandal videos kundi dahil sa bagong kaalaman na natuklasan nila at nais nilang subukan... At ito ay ang "How to make money online gamit ang blog?!".

Ang pinupunto ko po rito mga mahal kong mambabasa, ay isang magandang paraan para ipaalam sa mga tao na ang blog mo ay umiiral o nag-e-exist ay ang pagsakay sa mga maiinit na isyu. Paminsan-minsan ay mapapakinabangan mo din ang pagiging off topic. Well, magandang paraan ito para sa akin dahil nasubukan ko na at nagustuhan ko ang naging resulta sa aking blog life.. Ewan ko lang din kung gagana at magiging maganda ito para sa inyo.

Okey, ikwekwento ko sa inyo...

Isang araw pumutok ang balita, si katrina halili at hayden kho ay may video scandal na nasa internet na at kumakalat. Nabalitaan ko ito isang hapon na masakit ang ulo ko. Napatigil ako sa pag-laklak ng kape at napaisip. "Naku, ang sexy ni katrina halili at si hayden kho ay hindi ko kilala pero si katrina ay sikat ay ilang taon nang sexiest woman sa FHM... Hmmm". Maraming tao ang nagnanasa na makita ang kahubdan nya... Hmmm. Matagal akong nag-isip (mga 5 minutes). Tapos biglang sumagi sa mapaglaro kong isipan ang blog ko na muntik ko nang malimutan na umiiral pala sa internet. Haha! Ngumiti ako ng masamang ngiti at sinabi ko sa isipan ko: "ibla-blog kita!Nyahahaha!" Okey, hindi talaga ako tumawa nun. Sa madaling sabi, nagpasya akong iblag ang naturang balita dahil alam ko na marami ang maghahanap nito sa internet at kung kakayanin ko na makarating sa mga unang pahina ng mga search engines ay malamang na dadami ang mapapadpad dito at malalaman nila na may ganito palang blog. Ang resulta: tumaas ang returning visitors ko at direct traffic. ^^ Yehey! Bumabalik sila at binabasa ang mga pinagsusulat ko dito sa blog na to. Haaay naku. Mukhang wala nang hintuan to. Kailangan ko ipagatuloy ang blog na 'to. Kaya mga dati nang readers at mga bagong mambabasa ng blog na'to, steady lang kayo dyan may mga susunod pa akong entries.

Cheers!

Mingkoy.

This is a post about my blog life.

Kikita ka naman talaga ng pera sa internet eh.

No comments:
Oo, kikita ka talaga ng pera sa internet. Andami daming paraan para kumita ng pera sa internet. Andyan yung pwede ka magbenta ng aliw, totoo po ito, hindi ako nagbibiro, malaki ang kitaan dyan. Alam nyo na kung ano yung tinutukoy kong "aliw". hindi ko lang po pwede diretsohin dito dahil po bawal. Alam naman nating lahat na maraming kumikita dyan sa pang-aaliw online na yan eh, hihihi. Halimbawa yung aliwan on webcam. Malaki ang kinikita ng mga mang-aaliw na yan. At yan ay sa pamamagitan ng internet.

IKAW: Kaya kung gusto ko kumita ng pera sa internet eh kailangan ko pasukin yang pang-aaliw online na yan!? Ganun ba ang ibig mong iparating sakin ha Mingkoy?!

AKO: 'kaw, bahala ka. kung trip mo eh. hehe. Hinde. Hindi naman sa ganun. Sapagkat may iba pang paraan. Pwede ka rin namang magbenta ng ano mo sa internet...

IKAW: Anong ANO?! Ano yun?!

AKO: Kahit ano. Mag-buy and sell ka. May mga website dyan na pwede ka magpost ng libreng classified sa internet. Kumbaga eh pwede mo i-advertise ang mga bagay na gusto mong ibenta para mas marami ang makaalam at maging kostumer mo. Halimbawa na lang yung sulit.com. Pwede ka dyan magpaskil ng mga bagay na ibinebenta mo. kahit ano. Kahit laman pwede mo ibenta dyan (tocino, longanisa, atbp.).

IKAW: Ah... Kala ko kung anong laman eh..

AKO: Hehe. Kala mo lang yun. Yeeeeeeeeechichcikeeeeeee. Yan ang pinoy bersyon ng ebay. Ang proud na proud na sulit.com.ph!

AKO ulit: O di ba? Kikita ka talaga sa internet! Magbenta ka lang ng kung anu-ano online eh kikita ka na. Pero hindi maikakaila na mas malaki pa rin ang kikitain mo kung papasukin mo ang pang-aaliw online. Pero oras na pasukin mo yan, umasa ka na rin na sooner or later ay mapi-feature ka sa show ni Mike Enriquez. Nyahahahaha! hiheeeeeeekk eek! Eherm! Eherm! Excuse me po!

Sya nga pala sa mga bagong nagbabasa ng blog na to at nagbabalak na dibdibin ang mga pinagsasasabi ko dito sa blog na to eh siguraduhin nyo po na basahin ang lahat-lahat ng mga nakalipas kong mga post lalung lalo na yung "Paano kumita ng pera sa internet?" section. Lagi nyo po tatandaan kung ano yung mga SINASABI ko at HINDI ko sinasabi. Alam kong ang ideya ng pagkita sa internet ay talgang eksayting at interesanteng bagay. Pero ang pagkita sa internet ay hindi ko sinabing madali at hindi ko rin sinabi na mahirap, dahil ang pagkita ng pera sa internet ay nakadepende sa taong nagsasagawa nito. May mga taong hindi na matapos matapos ang tagumpay na tinatamasa sa larangang ito at syempre hindi pwedeng mawala ang mga talunan at mga bigo dito. Tagumpay at kabiguan. Alin lang naman sa dalawang yan ang pwede mong puntahan kapag pinasok mo ang larangang ito eh. At yun ay kung susubukan mo lang. Kung hindi mo susubukan ay hindi ka mabibigo at lalung-lalo na hindi ka magtatagumpay. Kung magtatanong naman po kayo kung magkano ang kinikita ko dito eh wag na kayong magtanong dahil may nauna nang nagtanong nyan at may sagot na ko dyan na matatagpuan nyo sa mga pahina ng blog na 'to. Pakihanap na lang po.

Alam nyo ba na nakabili na ako ng kotse dahil sa blogging, isang sports car na kulay matingkad na pula at tsaka isang private jet at isang yate...?
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Biro lang po. Hindi naman ganun kalaki ang kinikita ko sa blogging. Si carl ocab, ung isang batang pinoy na blogger eh kumikita ng libo-libong dolyar sa blog nya. Tingnan mo ung blog nya andaming adbertayser. Ung dun sa featured links nya.. At bawat isa dun ay nagbabayad ng piptipayb dollars per month sa kanya. Eh ilan yon!? Parang nasa sampu ata eh. Buhay na buhay na sya nun. Pwede na nya sesantehen ang mga magulang nya. hahaha. dyowk lang. Lahat tayo ay hindi dapat sesantehen ang mga magulang natin kahit pa kumita tayo ng malakimg pera sa internet. Dahil isa sila sa mga bagay na higit na mahalaga sa pera at materyal na mga bagay. Ang dapat na sesantehin ay ung mga tiwaling leader-lideran ng ating bayan na syang pumipitik sa mga pera na ating pinagtrabahuhan. Di ba? Parating nanaman ang 2010 election kung kaya't umiinit nanaman ang dugo ko sa mga trapo. Ayoko ko na nga manood ng TV at makinig ng radyo eh. Meron na kasing mga nagpaparamdam na mga pulitiko sa mga ito eh. Haaay!

Tama na yan. Hindi ito blog na pampulitika. Ito ay blog na tungkol sa pagkita ng pera sa internet. Nawawala na tayo sa topic. Sya, sya. Mabalik tayo sa topic natin... Kumag kasi si Congresman.. Kulit eh no. Teka.. Lalayu muna ako sa keyboard atkakain ng ice cream para makapag-isip.




Ayun. Kikita ka naman talaga ng pera sa internet eh. Pwede ka mag-pilot. Nyaaaa! Piloto? Oo, piloto. Hindi ng eroplano kundi ng mga character ng Cabal, Ran online at kung anu-ano pang mga online games. Meron kasing mga adikgamers na talagang adik na adik mahal na mahal ang mga in game characters nila at gustong gusto nila itong laging kasama at gusto nila ay makamit ng pinakamamahal nilang mga game characters ang pinakamalakas na estado nito sa pinakamaikling panahon. Ngunit hindi pupoyde dahil sa mayroong ibang umuokupa ng oras nila tulad ng trabaho, pamilya, syota at kung anu-ano pang bagay dito sa tunay na buhay. At ang solusyon na naisipi ng mga adik na to ay ang pag-arkila ng taong maglalaro ng mga game accounts nila sa isang partikular na online game. At ang tawag sa mga arkilahing taong ito ay "Pilot". Ang pilot ay binabayaran para lang laruin ang laro ng ibang tao. Minimum na bayad dito ay beinte pesos kada oras. Kaya kung ikaw ay isang adikgamer din ay poyde ka maging pilot at kumita ng pera sa internet. Humanap ka lang ng adik dyan sa tabi-tabi at bulongan mo... "gusto mo pilot kita, ha?" Ang simple diba? Pero kung ikaw naman ay isang medyo thunders na at naiilang maglaro ng online games at ni hindi mo alam kung ano ang ibig sabihin ng level-up eh hindi ito ang para sa iyo. Magbenta ka na lang sa sulit.com ng mga antigo mong koleksyon. Oy! Sa ebay poyde mo ipa-bid ang mga items na antigo. May nabasa nga ako na may kumita ng limang libong dolyar sa isang antique item na ipina-bidding nya sa ebay eh. Hindi ko matandaan kung anong klaseng bagay yung antique item na yun, ewan, lumang lumang lumang panti ata eh, o brip, basta parang ganun.

Teka po muna, kakain lang ako. Tuloy natin to mamaya. Balik lang kayo lagi dito sa... tentenenentenen! Pera Sa Internet! net! net! net!


Later.


Mingkoy.

Pacquiao as a dollar earner. You, too, can earn dollars.

2 comments:
In his victory against the British boxer Ricky Hatton, Pacman earned some $12 million. How was that? So much money eh? It's equivalent to half a billion pesos, not to mention his 50% share of the pay-per-view thing. If you are Manny Pacquiao, how would you spend that huge amount of money? Perhaps you would run for a public seat in the government, hehe, that is if you are Manny Pacquiao. But, seriously, how would you spend money of that amount?
Of course you will buy some houses worth millions. Buy some cars, luxury cars and sports cars. A chopper and a private plane and a yacht. Get some expensive sports and hobbies like sky diving and golf. Spend vacation in a private beach sipping those umbrella drinks. What the f***! I can hear my neighbor's scolding her st***d son again for coming home late. I'm sorry for the interruption, it really annoys me. I am trying to write a good post here about Pacquiao being a dollar earner and about how would you spend the money of which amount is half a billion pesos or $12 million dollars. Haaays! if you have that amount of money you wouldn't have to scold your sons or daughters for coming home late. You would scold their bodyguards which you hired (and probably fire them from their jobs as bodyguards of your kids) instead. Yes! I manage to find a way to get back to the topic.
Pacquiao's financial achievements are very inspiring. So what are you waiting for? Start training hard and become the next best fighter in the world! Nyahahaha! $12 million dollars is too much money. Perhaps, an extra one thousand dollars per month from blogging will do okay for all of us. Yes, 0ne $1000 per month. I know. I know. That is equivalent to 40,000+ pesos just from blogging. One good example is Marghil Macuha. He is earning that money from his blog Macuha.com. Another example is Abe Olandres, the one responsible for Yugatech and another example is Don Serrano, from his secret (daw) blog. All three of them are earning more or less 1000 usd per month from their respective blogs. Imagine that, an extra 40,000 pesos monthly!

So, you want to start your training now to become the next best fighter in the world like Manny Pacquiao to earn millions of dollars or you will start blogging now and earn extra $1000 per month?

You choose:




Best Fighter

$Millions


Blogger

$1000 (more or less)
per month


Cheers!

Mingkoy.

PS
I am also a fan of Pacman and I have nothing against him so don't get mad at me, ok?

PPS
And besides, I don't want to challenge the best fighter in the world, you know?! LOL!

Paano Kumita ng Pera sa Internet?- Intro

3 comments:
Paano nga ba kumita ng pera sa internet?

Yan ang palaging tinatanong ng mga taong may sapat na curiousity at lakas ng loob para sumubok ng bago at naiibang bagay. Kung nababasa mo ito ngayon ay isa ka sa kanila at ang mga mababasa mo dito sa blog na to ay tungkol sa kung paano kumita ng pera sa internet? HINDI po ito Paid-to-Clik! Although dini-discuss ang topic sa mga PTC sa ibang pahina nitong blog na to. Ang layunin ng blog na to para sa mga tagabasa or readers ay matuto ang pangkariniwang pinoy ng blogging at mula sa pagbla-blog ay kumita ng pera sa internet. 


Update: Basahin nyo po ito: Mga Paraan Para Kumita ng Pera sa Internet. Nakapaloob po dyan ang ilang pamamaraan para kumita sa pamamagitan ng internet, ng blog at ng Facebook.

Excuse me po!

Sa mga dati nang sumusubaybay dito sa ' pera sa internet ', excuse me po ha, hehe, ang post po na ito ay ang intro para sa mga baguhan pa lang dito. Dumadami na po kasi ang napapadpad sa blog ko na to eh. Salamat po!

Sa mga bagong readers po na nagmamadaling malaman ang mga hakbang or steps kung paano kikita (dollars $$) gamit ang blog ay pwede na po kayo dumiretso dyan sa gawing kanan ng pahinang ito. May mga link po dyan pakihanap na lang. O kaya naman po ay pwede po kayo magpatuloy sa pagbabasa ngayon dito sa pahinang ito.

Obserbasyon.

Base sa sarili kong obserbasyon sa mga Filipino internet users, ang karamihan sating mga Pinoy ay ginagamit lamang ang internet para maglaro ng online games at maliit na bahagi lamang ang gumagamit ng internet para sa komonikasyon at business. Ang pinagbasehan ko po sa obserbasyong ito ay ang mga internet cafe na aking napuntahan at ilang pagtatanong sa mga bantay ng mga nasabing internet cafe. At karamihan po ng mga internet users ay mga edad 7 hanggang 40 at lahat ng yan ay Friendster, Yahoo messenger, online games, lang ang inaatupag.

Posibilidad.

Ang tsansa o posibilidad para ang isang pinoy ay kumita ng pera sa internet ay depende sa kanya.
Kung ang pang-unawa, pananaw, pag-iisip mo ay makitid eh lalong mas makitid ang tsansa o posibilidad na kumita ka dito sa internet.
Pero kung ang pang-unawa, pananaw, pag-iisip mo ay malawak eh lalung mas malawak at walang katapusan ang iyong posibilidad at pagkakataon na kumita sa internet.


Posibleng Mangyari Sayo Sa Pagbla-blog.

May mga blogger na kumita at patuloy na kumikita online ng malaki sa pagbla-blog sila yung mga hindi sumuko sa halip ay lumaban, hindi nag-ubos ng oras sa paninira sa halip ay patuloy na gumawa, hindi nagsawa sa halip ay nagpatuloy sa muling pagsisimula.
At marami rin ang mga sumubok at nabigo, sila yung mga sumuko, nag-ubos ng oras sa paninira at mga nagsawa.
Ngayon, saan ka dyan mapapabilang?

Oras at panahon lang ang makapagsasabi. . .

Sige na po. Humayo na po kayo at subukang magparami ng pera sa internet. hehe. Importante nga po pala na wag masyado seryoso at O.A., ok? okey...

Maaari na at pwedeng pwede na po kayong gumagala-gala sa blog na 'to. Feel free to look around, you might found the key to the door leading to the room you've always wanted to be in.

Good luck po!

Cheers!

Ako nga po pala si mingkoy (hindi ko tunay na pangalan, syempre).

Mingkoy.

Da Ping: Part 2

No comments:
Welcome po sa mga readers na ngaun pa lamang napadpad sa blog na to. Kumusta po kayo? Sana ay nasa mabuti po kayong kalagayan at pag-iisip. Sa mga sceptical or those who jumps too quickly to conclusion, don't say a word and get outta here, please. Read all the posts here before you make conclusions, positive or not just act wise and read all the posts first. Thank you.

Sa mga interesadong malaman ang mga nalaman ko kung paano kumita ng pera sa internet gamit ang blog, you can start HERE.

Sa mga dati na pong nagbabasa ng blog na 'to "Pera Sa Internet", it's time to ping the blog directories. Madami ka na ba posts? Original content ba yan?

Kung oo ang sagot mo sa mga katanungan na yan eh pwede mo na i-ping yung mga blog directories. Teka muna, balikan natin kung ano nga ba ang pampi-ping baka kasi nalimutan na po ninyo. Ang ping ay, teka batiin ko lang yung pinsan ko na si Pong (uminom kami kagabi bortdey ko kasi, na-lashing ako:). Pong kumusta jan sa looban?

Okey.. Ang ping po ay ang proseso na kung saan ay parang kinakalabit ung mga search engines para ipaalam sa kanila na ang blog mo ay umiiral sa internet.

Nung nakaraan kong post ay tinuro ko sa inyo kung paano i-ping ung mga search engines tulad ng G**gle at Y*hoo diba? Ngayon naman ang target natin ay ang mga blog directories tulad ng Technorati- ang pinakamalaking blog directory sa buong solar system. Ito ay para ma-index naman ang blog mo sa mga blog directories para sa mas ikagagaling at ikahuhusay ng blog mo pag dating sa aspeto ng pagkuha ng traffic papunta sa iyong blog. Sa madaling sabi, pampadami yan ng traffic.

Ok. Let's ping the largest blog directory in the solar system: Technorati!

Go to technorati.com at i-klik ang 'Ping Us' dun sa pinakababa ng homepage nila.




Pwede ring ganito.

Click 'join' dun sa homepage nila. It's FREE. Libre nanaman.


Fill up the form na lalabas.

Pagkatapos ay mag-sign in ka na sa technorati account mo.

Tapos, hanapin mo yung 'claim your blog'. At sundin mo lang ng maigi yung mga instructions dun.

At ayun! na-ping mo na ang pinakamalaking blog directory sa solar system.

Yan na po muna sa ngayon...




Biro lang.

Eto pa!

Listahan ng ilan sa mga blog directories kung saan pwede mo i-submit ang blog mo.


http://5starblogs.com
http://addyourblog.com/submit.php
http://allafrica.com
http://autosmoto.com
http://biggerblogger.com
http://blawg.org
http://blawgrepublic.com/submit.php
http://blogarama.com/add-a-site
http://bllogs.com/submit/
http://blogaz.net/
http://blogcatalog.com

Ang konti naman!!

O eto pa! 'ETO! Clik mo to!

Andami nyan.

Note: bawat isa sa mga blog directories na yan ay may iba-iba ang mga steps kung paano ka makapagsa-submit ng blog sa kanila kaya basahin nyo na lang pong mabuti ang nilalaman ng mga yan. Kasi kung ipo-post ko isa-isa dito eh baka maubos yung space dito sa blogspot. LOL.

Mahabahabang trabaho nanaman yan ano? Ganyan talaga pag gusto mo kumita ng pera sa internet.

Pwede nyo naman po yang unti-untiin. Isabay sa almusal, tanghalian, meryenda at hapunan. Busog.

Sa susunod kong mga ipo-post ay tatalakayin natin ang pagerank (PR).


That's all for now folks!

Marami pa tayong pag-uusapan tungkol sa topic natin na paano kumita ng pera sa internet?

Yehey!

Mingkoy.




Da Ping. Ano ito?

5 comments:

Sa mga bagong readers.

Basahin nyo na lang po muna yung mga nauna kong post para po masundan nyo yung mga pinagsasasabi ko dito. Pwede po kayo magsimula dyan sa Paano kumita ng pera sa internet lessons dyan sagawing kanan ng page na to. Salamat po at Welcome!

Sa mga dati ng readers ng blog na to.

Malamang eh marami-rami na kayong nasulat at na-submit na articles sa mga article directories na binigay ko sa inyo. Well, good.

Ang susunod kong ituturo sa inyo ngayon ay ang isang paraan kung saan ay parang kakalabitin mo yung search engine tulad ng gugel at yahoo para sabihin na 'huy! i-index mo naman ako!'

Ngek!

Meron bang ganun?

Opo. Meron.

Da Ping.

Ang tawag po sa prosesong yun ay Pinging.

You will ping the search engines.

How?

Ganito.

Log in to your gugel account.

Go to Webmaster's tools.

Yan. The Page should appear like this




Enter your site/blog's URL

jan sa field na may binilugan ko ng color
red. At i-klik ang button na 'Add Site'

Ok? Okey...

Next Step

Kailangan mo i-verify ung blog/site mo.

Click mo yung 'Verify'.

Mapupunta ka dyan sa 'verify a site' page.

Click mo yung dropdown menu sa tabi ng nakasulat na 'choose verification method' (refer to the picture below)

Tapos piliin mo yung 'add a meta tag'.

I-copy mo yung meta tag code dun sa box. Pwede mo i-paste muna sa notepad yung code kung gusto, save mo muna.

Balik ka sa blogger blog mo at punta ka sa 'Layout'.

Pag nandun ka na, click mo ung 'Edit HTML'

May lalabas na page na may box na punong-puno ng code na mahirap maintindihan. Pero wag ka mag-panic. hehe. Ganito ang hitsura nya:



Ganyan.

Saan mo ilalagay ang code?

Ewan. Hindi ko alam eh. Hehehe. Biro lang po.

Ganito po yan. Click da picture para mabasa mo ung sikretong mensahe.

Hayan na po. Click 'Save Template'.

Yan, na-ping mo na ang gugel.


Punta ka naman ngayon sa yahoo at dun ka magpapansin. Go to Yahoo.com.

Scroll down.

Sa bottom ng hompage ng yahoo meron dung 'suggest a site' na parang ayaw magpahalata na nandun sya. Pero hindi sya makakaligtas sa mga taong gustong kumita ng pera sa internet. Hehe.

Click mo ung 'suggest a site'. Yung may bilog na red ulit.


Mapupunta ka sa 'submit your site' page.

Click mo ung 'submit a website or webpage'.

I-type mo ung URL ng blog mo dun sa field and hit 'submit URL'.

Ayan. Na-submit mo na ang blog mo sa yahoo. Asar nga lang dahil matagal ma-index dyan kasi isa yan sa pinagkakakitaan nila. Yung tinatawag nilang 'sponsored search'.

Kaya ayun, hintay ka na lang. Mai-index ka rin dyan.

At isa pa ang blog natin ay Blogger blog na siya ring pag-aari ng Big G na sya namang kakumpetensya sa hanap-buhay ng yahoo, kaya ano pang aasahan mo? Di ba?

Haaay. Ganun talaga. Pero mai-index rin ang blog mo jan.

Yan lang po muna ngayon. May gagawin pa ko eh. Balik po kayo mayamaya para sa update, hindi ko pala nabanggit yung isa pang dapat na i-ping mo. Mamaya na lang po may aasikauhin lang ako sa tunay na buhay. hehe. nasa pelikula ba tayo ngayon? haha. O kaya po ay mag-subscribe po kayo dito sa blog ko para pag may update eh may darating na notification sa email nyo. Tama, ganun na lang. Ituturo ko nga rin pala sa inyo kung paano maglagay ng feedburner na sya ring makakatulong sa blog mo. Ok? Okey.

Babay!

Watch out for more of Pera Sa Internet!

Cheers!

Mingkoy

Mainit at Nagbabagang Kwento

2 comments:
Ang init!!

Hindi ako makapagkonsentreyt.

Pero pipilitin ko na katasin ang naluluto kong utak para may ma-share ako sa inyo, syempre tungkol pa rin sa topic natin na paano kumita ng pera sa internet.

Malamang eh busy ka ngayon sa pamba-backlink mo. Sa dami ba naman ng article submission directories na ibinigay ko sa inyo dun sa last postng blog na to eh, malamang hanggang ngayon nagsusulat ka pa. Sige lang. Tira lang ng tira.

Malamang kahit papano ay tinatablan ka ng katamaran sa pagsulat ng mga articles na isa-submit mo sa mga article directories. Idadag mo pa ang kaloob sa atin ng kalikasan na sobrang init. Kaasar eh 'no.

Kaya nga nandito ako ngayon at nagpo-post nanaman dahil alam ko na posibleng tamarin kayo sa pagsusulat ng mga articles. Nandito ako para gabayan kayo. Friends tayo eh. Kapwa Pinoy. Kaya tutulungan ko kayo para hindi kayo tamarin.
Paano?

Ganito.
Hahagupitin ko kayo ng latigo para tuloy lang ang pag-gawa nyo ng article. hahahaha!.

Anlupit mo pala Mingkoy!

HInde....

Biro lang.

Kwekwentuhan ko po kayo para mainspayr kayo ng konti.

Kaya pumwesto na kayo at makinig ng mabuti. Magbasa pala ng mabuti. Sorry. Hindi nga pala tayo magkakarinigan dito.

Okey. Itong i-kwekwento ko sa inyo ay halaw sa tunay na pangyayari. Totoong naganap sa planeta natin.

Tungkol pa rin to sa blogging at pera sa internet (syempre).

Eto na.

Hindi masyadong matagal na panahon na ang nakalilipas, may isang bata. Isang trese (13) anyos na bata ang nagsimulang mag-blog. At ayun lakas kumita ngayon. Dollars. Thousands. Sya si Carl Ocab. Kilala rin na Kid Blogger. Dalawang taon na ata ngayung namamayagpag ang blog nya sa keyword/niche na 'make money online'. Ilang beses na sya na-feature sa mga peryodiko at na-feature na rin sya sa national television. Try mo i-search sa gugel yung 'make money online', andun sya sa top. Minsan pangalawa minsan pangatlo. Pero hindi sya nawawala dun. Astig yang bata na yan. Anlaki na ng kinita nya sa internet.

Lupit eh no.

O ayan. Sana eh mainspayr kayo lalo at sipagin ng todo at sagad.

Sya nga pala. Ang kwentong ito ay minsan ko nang nabanggit sa blog ko na make money online stories.

O pano? Tuloy na sa pagsulat ng articles.

Good luck po!

Yehey!

Mingkoy.

PS.
Para po sa mga bagong readers na gustong malaman kung paano mag-set-up ng blog at pagkakitaan ito, basahin lang po ang 'paano kumita ng pera sa internet lessons'.
Enjoy learning!

Paano Kumita Sa Internet? part 8

27 comments:
Para po sa mga bagong readers ng blog na ito ay basahin nyo po muna ung mga naunang posts ko. You can start here: Paano kumita ng pera sa interenet? part 1

Sa mga dating readers at sumusubaybay nitong blog na to, let us continue with our how to make money blogging!

Backlinks pa rin.


Isa pa nga po palang magandang paglagyan ng backlink ay ang yahoo answers at wiki answers.

Paano?

Ganito.

Punta ka sa Yahoo Answers tapos search mo yung mga open questions na sa tingin mo ay masasagot ng content ng blog mo. Tapos syempre sagutin mo yung tanong na yun at ilagay mo sa 'reference box' yung URL mo.

At dahil may relevance yung question sa Yahoo answers sa content ng blog mo (malamang) eh di may quality backlink ka nanaman.

Ganun din ang gagawin mo sa wikianswers.

Tapos join ka sa mga forums na nagkalat sa internet. Search mo yung mga thread or discussions na may relevance sa topic ng blog mo then join that discussion, be creative when posting on forums' threads, dont forget to leave your blog's link in that forum. Yang mga forum na yan ay ang pangkaraniwang pinagkukuhaan ng backlinks ng mga bloggers na gusto ng traffic sa blog nila para kumita ng pera sa interenet.

Natatandaan nyo po yung GoArticles? Yung pinakamalaking article submission directory sa interenet.?

Marami pa ang katulad nyan na nagkalat sa interenet.

Teka, recap lang natin kung ano ang silbi nyang article submission directory sa isang blogger.

Ang mga article submission directories ay ang pinakamagandang pagkuhaan ng backlinks para sa isang blogger. Maniwala po kayo, ang pagsusulat ng article na may relevance o kaugnayan sa topic ng blog mo ang pinakamabisang paraan para makakuha ng quality backlink. Pag ang backlinks mo ay galing sa isang related article mas papansinin yun ng mga search engines at mas malamang na ma-index ang blog mo.

Yun nga lang kailangan mo ng sipag (marami) sa pagsusulat. Pero kung ang bina-blog mo naman ay tungkol sa isang bagay na talagang hilig mo, siguradong hindi ka tatamarin. Kelan ka pa tinamad sa mga hilig mo? Kaya siguradong hindi ka tatamarin sa pagsusulat at pagsa-submit ng articles na related sa topic ng blog mo sa mga article submission directories na to:

http://www.goarticles.com
http://www.ezinearticles.com/
http://www.articlecity.com/
http://www.certificate.net/wwio/
http://www.amazines.com/
http://www.articledashboard.com/
http://www.article-directory.net/
http://www.submityourarticle.com/articles/
http://www.magportal.com/
http://www.isnare.com/
http://pubs.acs.org/hotartcl/
http://www.article-hangout.com/
http://www.webarticles.com/
http://www.articlecube.com/
http://articles4content.com/
http://www.article-buzz.com/
http://www.free-articles-zone.com/
http://www.newarticlesonline.com/
http://www.articletogo.com/
http://www.articleworld.net/
http://www.impactarticles.com/
http://www.articlealley.com/
http://www.directorygold.com/
http://dir.salon.com/
http://www.articlefever.com/
http://www.content-articles.com/
http://www.softwaremarketingresource.com/marketing-article-directory.html
http://www.niche-article-directory.com/
http://www.jogena.com/articles/articleform.htm
http://news.collectors.org/
http://article-niche.com/
http://blogtelecast.com
http://superpublisher.com/
http://www.articlecentral.com
http://www.article-directory.net
http://www.article-emporium.com
http://www.ebooksnbytes.com
http://www.ideamarketers.com
http://www.internethomebusinessarticles.com
http://www.site-reference.com
http://www.stickysauce.com

Aw! Ang dami 'no?

Daming backlinks nyan. Quality ones.

Concentrate muna kayo dyan sa mga article directories na yan.

IMPORTANT: Wag mo kalimutang i-embed yung backlink mo sa first sentence ng bawat article na gagawin at i-sa-submit mo sa mga article directotries na yan ha. Yung tinuro ko sa inyong Secure Backlink ang gamitin nyo. Ok? Okey.

Yan na po muna sa ngayon. Malamang maging busy kayo sa pag-susulat ng mga articles. Balik-balik kayo dito sa Pera Sa Internet para sa mga updates. Marami pa akong ise-share sa inyo.

Good Luck!

Palakpakan!

Yehey!

Mingkoy

Paano Kumita Sa Internet? part 7

13 comments:
Hello po sa inyong lahat.

Welcome po sa mga bagong dating pa lang dito. Ang blog na ito ay magtuturo sa inyo kung paano kikita ng pera sa internet sa pamamagitan ng blog. Kung paano mag-set-up ng blog at kung paano ito mapagkakakitaan. Ang lahat po ng detalye tungkol dito ay ibibigay ko sa inyo sa maliit at abot kayang presyo lamang na….. hahahahaha! Joke lang.

LIBRE po lahat dito at pwede nyo pa ipagkalat. hehe. Basa lang po. Simulan nyo dito sa Paano Kumita ng Pera Sa Internet? Part 1. para mas maintindihan nyo po ang lahat ng mga dinadaldal ko dito.

At sa mga dati ng sumusubaybay sa blog na to na kung tawagin ay Pera Sa Internet, welcome back. Nakopya nyo na po ba yung privacy policy na pinost ko? Importante po yan sa mga adsense users. Oki?

Tuloy na natin ang lesson natin.


San na nga ba tayo? Ay oo. Sa paggawa ng quality backlinks para sa blog mo at ng sa ganon ay ma-index ka sa mga search engines at hopefully malagay sa first page ng SERP. At pag ang iyong site/blog ay na-index na, makakaasa ka na dadami na ang visitors/traffic ng blog mo. At lalaki ang chance na kumita ka ng pera sa internet. Tama?
Tama…

Okey.

Let’s make backlinks! The quality ones.

The GoArticle Backlinks.

Go to GoArticle.

Mag-sign up ka dun. Libre lang po yan.

Tapos gawa ka ng isang article na may relevance o kaugnayan sa mga blog posts mo at isubmit mo dun. Yang article nay an ay hindi mo ipopost sa blog mo ha.

Teka, bakit kailangan mo mag-submit ng article sa goarticles?

Ganito kasi un, sa article na isa-submit mo dyan sa goarticles na yan eh pwede ka maglagay ng link ng blog mo. Meron kasi doon na tinatawag na author’s box kung saan pwede mo ilagay ung link ng blog mo. Kaya instant backlink kagad un. At eto pa, ang article na isa-submit mo dun ay may relevance sa topic/content ng blog mo kaya ang backlink na makukuha mo ay ‘quality backlink’. Di ba? Ayos . Hindi lang ayos kundi ayos na ayos dahil mabibigyan ka high page rank ang blog mo dahil sa backlink na yan. Ang totoo po nyan eh mas maraming article na may relevance sa blog mo ang nakalink sayo, mas bibigyan ka ng google ng mataas na page rank, meaning ilalagay ka nila sa mas magandang posisyon sa SERPs.

NOTE: ayaw ni mr. gugel ng mga duplicate articles. Kapag nakita nya na may isang article na kapareho ng sa blog posts mo ang sumulpot sa isang site eh magagalit sya at hindi nya i-index ang yung site na yun. At syempre aling article ang mai-index? Syempre ung article mo sa blog posts mo. Dahil mas nauna yun. Gets po ba?

Para po sa kaalaman ng lahat, ang goarticles ang pinakamalaking article submission website.

Ang mga articles tungkol sa kung anu-anong bagay ay naglipana at nagkalat sa internet. Kaya naglipana din ang mga article submission directories tulad ng goarticles. Sa tingin nyo bakit sila madami? Dahil yun sa marami ang nangangailangan sa mga articles na yan.
Meron at merong nangangailangan ng article tungkol sa kung ano pa man. At isa pa, ang mga spam bloggers ay sa mga ito rin kumukuha ng mga kailangan nilang articles para sa kanilang mga spam blogs. Ang mga spam bloggers na to ay ang mga kumag na ang special skills ay ang “copy n paste”. Ka-copy nila ang article tapos pe-paste. Madami sila.
Okey sana yang mga kumag na yan eh, ika-copy nila ang article mo tapos ipe-paste nila sa text editor nila sa computer nila tulad ng ms word, eh di maka-copy nila ung backlink mo dun di b? kaya mada-download nila ung backlink mo. ayos !

Ang kaso ang ginagawa nila ay ika-copy lang nila yung mismong article lang. bina-bypass na nila ung authors bio or author’s box kung saan nandun ung backlink. Kaya ayun, pakikinabangan nila ang article mo at mababalewala ung backlink mo. Ansaklap ano? Kakainis. Submit ka ng article para nga may backlink tapos mababalewala lang. Dapat i-copy din nila ung author’s bio dib a ‘no? Andaya nila. Pinaghirapan mo ung article na yun tapos ganun lang ang mangyayari… kala nila dyan… huhuhuh. Ung backlink namin! I-download nyo ung backlink namin!!! Huwaaaaah!

H’wag kang mabahala. Nandito ang taggalogblogger- mingkoy para kontrahin yang mga kumag na yan.

Palakpakan!

Ang Pangontra…

Secure Backlink.

Gagamit tayo ng konting HTML codes para masecure ang backlink natin sa Goarticles.

You will have to embed the link to your blog in your article's first sentence to make a hypertext link. Kumbaga eh parang nakatanim yung backlink mo sa first sentence.

Ang code:

<*a href="http://pera-sa-internet.blogspot.com/">making a garden <*/a>

(replace “making garden” with your keyword and "pera-sa-internet" with your sites url name)

Halimbawa, ang unang sentence ng article mo ay “If you think making a garden is hard then read this article. At ang URL ng blog mo ay: http://pera-sa-internet.blogspot.com

Ganito ang ita-type mo sa goarticles: If you think <*a href="http://angakingblog.blogspot.com/">making a garden <*/a>

Pero tanggalin mo lang yung dalawang asterisk (*).

Ang magiging hitsura ng first sentence mo ay ganito:

If you think making a garden is hard then read this article.

Yan. Ganyan. Subukan mo itutok yung ano mo, yung mouse pointer sa word na "making a garden". Sige bilis. Nakatutok na po ba? hehe.

Mapapansin mo na dyan sa browser window mo na lumalabas yung ano, yung address na http://pera-sa-internet.blogspot.com di ba? Pag klik mo dyan sa making a garden na yan siguradong mapupunta ka sa home page ng blog ko. Sige, try mo i-click.

O ano? okey ba? ok? okey...

Sa ganyang paraan mase-secure mo ung backlink mo sa article mo dun sa goarticles. At oras na i-copy yun ng isang kumag at i-bypass nya yung author's bio kung saan nakalagay yung link papunta sa blog mo ay mada-download nya pa rin yung backlink mo. Kahit pa yung mismong article lang i-copy nya. Dahil kasama un na maka-copy kasi nga ay naka-embed yun sa first sentence mo.


Yan po muna sa ngayon. Medyo pagod na ang aking mga daliri sa pagta-type.

Balik na lang po ulit kayo dito sa Pera Sa Internet para sa iba pang kaalaman na ise-share ko sa inyo tungkol sa kung paano kumita ng pera sa internet at paano magkapera gamit ang blog.


Yehey!

Cheers!

Migkoy