Pin It

Widgets

Bakit Ayaw Ko Mag Invest sa Networking Company Na Malaki ang Investment?

Paano Kumita ng Pera sa Facebook?Sa dami ng networking company, bakit Technowise360 ang pinili kong salihan?

May ilang dahilan kung bakit ang Technowise ang sinalihan ko kahit marami pa dyan ang ibang company na mas matagal nang nag-ooperate at may pangalan na.

Una, naniniwala kasi ako na ang mga networking company ay nandiyan hindi lang para kumita kundi para makatulong din. Yan ang palagi nilang sinasabi di ba? Tutulungan ka ng networking company basta sumali ka lang. Tutulungan ka na abutin ang mga pangarap mo. Tutulungan ka na kumita at iangat ang estadong pinansyal ng buhay mo, basta sumali ka lang. at marami pang klase ng pagtulong na gagawin ng networking company sayo basta sumali ka lang... sa halagang 7000, sa halagang 8000, sa halagang 16000 o sa halagang 32000.

WTF?! Ang mga nangangailangan ng tulong ay yung mga taong walang ganyang halaga na mailalabas kaagad.

Kaya Technowise360 ang pinili ko dahil hindi ito lumalayo sa realidad. 360 Pesos ang investment, napaka-affordable para sa marami na "TUNAY NA NANGANGAILANGAN NG TULONG". Ang mga tatargetin kong recruitin kasi ay yung mga "nangangailangan ng tulong" o yung gustong sumabak sa networking para iangat ang buhay nila sa maliit na "risk"/puhunan lang. Mga taong maliit ang kayang ilabas na perang puhunan (risk) pero malaki at matindi ang pangangailangan (motivation). Dahil sa aking palagay, yung mga ganung tao ang MAS nakararami.

Paano ko ito gagawin kung ang mahal  ng ina-alok ko sa kanila diba? Oo, totoo ngang maliit lang ang 7000 kung ito ay puhunan at hindi karaniwang gastos lang. At malaki din talaga ang potential ng kita basta gagawin mo lang ng tama. Pero dapat kilalanin mo ang target market mo. Karamihan ng tao ay hindi pa kayang tanggapin ang ganyang ideya. Ang mga taong gusto mong "tulungan" (market) ay hindi yan kaagad matututunan.

Pero kung sa maliit na 360 pesos lang, sigurado yan. Mas marami ang lulunok ng ideyang "Maliit ang 360 Pesos para sa puhunang pang negosyo". Kung ma-lugi man at hindi mag-work out, para ka lang natalo sa Tong Its. LOL. Aminin mo, dama mo ang sinsabi ko dito mga online friends. 360 pesos lang? Malaki pa ang pusta mo sa DOTA dyan eh. O ang pang isang case na Red Horse.

Eto pa.. Pag maliit ang presyo, mabilis mabenta. Totoo ito sa halos lahat ng negosyo. Sabi nga ng mga negosyanteng Intsik "Liit mata, laki kita" or "Mura lang pero volume". Pag affordable ang ina-alok o binebenta, mas mabilis itong mabibili. Mas maganda ang galaw ng negosyo. Liquid, ika nga.

I-analyze natin..
Company X: Investment = 7000. Income Potential is 100,000 per month after trabahuhin ng 6 months na pa-post post lang sa FB.
Technowise360: Investment = 360 Pesos. Income Potential is 50, 000 per month after trabahuhin ng 6 months na pa-post-post lang sa FB.

Mas malaki ang potential income ng 7000 investment ano po? Ang tanong, kaya mo ba yan ilabas bukas? Ipagpalagay nating kaya mo yan bitawan bukas na bukas din dahil extraordinary at malupit ka mag-ipon. Eh yung mga target market mo na "nangangailangan ng tulong"? Sigurado ka bang kaya nila yan ilabas immediately? Baka yung 360 pesos kaya nila.. At hindi lang KAYA kundi KAYANG KAYA pa.

"The secret of getting ahead is getting started" sabi ni Mark Twain. Pero how do you get started kung hindi mo kagad mailabas ang puhunan mo?

You cannot defy the numbers. Huwag tayo lumayo sa realidad.. An average employed Filipino makes 480 pesos per day. Okey... may kumikita ng above average, mga 700 pesos per day. Nababasa mo ba yung mga numero na yan? 480 average, above average is around 700 per day. Hindi 7000. Inuulit ko, HINDI 7000.

Para makasali ka at ang target market mo bukas na bukas din sa Company X ay kailangan mo ng 7000 at para makasali sa Technowise360 ay kailangan mo ng 360. Kumikita ka ng 480 pesos as a minimum wage earner at around 700 pesos naman kung ikaw ay above minimum wage earner. Saang kumpanya mo pwedeng i-apply ang quote ni Mark Twain na "The secret of getting ahead is getting started"?

Alam nyo na ang sagot dyan mga online friends. Since 2009 pa tayo dito nagpapalitan ng mga diskarte natin kung paano kumita sa internet at marami na tayong natutunan and there's no doubt na naging WISE na tayo.

Dalhin na natin ang Make Money Online Adventures natin sa medyo mas exciting na level. Tinuruan ko kayo dati kung paano kumita ng pera sa internet gamit ang blogs nang walang inilalabas na pera. At base sa mga natanggap kong pasasalamat mula sa mga tagabasa ko dito ay marami-rami din ang kumita gamit ang tinuro ko.

At muli po kayo ay aking tuturuan kung paano naman kumita sa pamamagitan ng Facebook at Networking. 100% pure online din ito. Nasubukan ko na po. Maliit pa lang, pero tulad ng kinikita ko nun sa blogging, nagsisimula sa maliit tapos palaki ng palaki. Samahan nyo po ako pero yun ay kung kaya nyo lang. *eherm* 360 *eherm*.

Learn muna bago invest Click Here>>> Paano kumita ng pera sa Facebook. Paki share na rin po sa FB at iba pa.

Yun lang po.

Cheers!
-Mingkoy.

2 comments:

Anonymous said...

nkakairita nmn basahin tong blog mo... puro paninira sa ibng networking kesyo mataas payin, pra mapasali lang sa kanyang networking ... sumali ka sa isang networking company para kumita! hindi mg palugi. sa tingin mo yng mga ng labas nang mga libo libo ? papayag bang malugi ??? sympre hinde they need to work it out pra mabalik ang kanilang puhunan.. at pra kumita.. remember bgo ka sumali sa networking company . cnsabi nila na no commitment un. kng ayaw nio ok lang kng gs2 nio pagtulungan nio...

alam mo mas ggs2hin q pang sumali sa matataas ang payin like uno aim royale.. kesa sa technowise n barya ang puhunan barya din ang kita... :)) sorry ahh... kci sa P360 n yan ang commitment level nian is pang P360 lang din hahaha for sure madami nang ng quit n dl mo jan....

mingkoy said...

Ayoko sana i-publish ang comment mo Anonymous commenter dahil in-appropriate ang pagkakagawa. At tsaka puro inbalido lamang ang argumentong nilalaman ng iyong komento.

Pero dahil nakaramdam ako ng konting awa, at makikinabang din naman ako sa comment mo, pinablish ko na. :)

Una, kung ikaw ay nairita sa aking blog, isang bagay na naramdaman mo na malamang ay wala namang pakialam ang ibang tao sa internet, ikinalulungkot ko po. Tumahan na po kayo at mag-pray po kayo. Magiging maayos din ang lahat. Promise ko yan sa iyo. :)

Pangalawa, walang pangalan ng ibang networking company ang nabanggit sa sinulat kong blog post sa itaas. Walang paninira. Pawang katotohanan lamang dahil kahit yung pamangkin kong nasa kinder 1 pa lang ay alam na mas mababang halaga ang 360 kaysa 8000.

Pangatlo, sabi mo: "sumali ka sa networking company para kumita, hindi magpalugi". Ang mga salitang yan na iyong binitawan ay magandang pakinggan at basahin ngunit walang sustansyang maidadadagdag sa blog post sa itaas.

Sumabad nanaman ang pamangkin kong nasa kinder 1 at sinabi nya na ang iyong binanggit ay nag-aapply sa lahat ng klase ng negosyo kapwa maliit o malaki ang puhunan. Tama ang pamangkin kong nasa kinder 1. Natural, pag nag negosyo ka, ang layunin mo ay kumita kahit pa 360 or 8000 ang puhunan mo. Kaya pareho lang i-wo-work out ng mga sumali sa networking company na may 360 investment at ng mga sumali sa may 8000 investment ang pinasukan nila upang maibalik ang puhunan. Your argument clearly adds no value to the blog post above.

Pang apat, commitment? Level ng commitment? Basta may pinasok kang negosyo, dapat may commitment ka talaga at ang halaga ng puhunan ay hindi basehan ng level ng commitment. Dahil ang 'desire' mo na maabot ang goals mo at magtagumpay sa anumang negosyo na pinasok mo ang syang tunay na pamantayan kung magpe-perform ka ba ng maganda o hindi.

Pang lima, sinabi mo na mas gugustuhin mo pa na sumali sa mga company na mas mataas ang investment kaysa sa Technowise360 na 360 pesos lamang ang investment dahil mas malaki ang kikitaain mo dun sa may malalaking investment. Well, binasa ng pamangkin kong grade 1 naman ang article sa itaas at ayon sa kanya, tinalakay na ang pagkakaiba ng potential income dun ng Technowise360 at ng company x.

Kung kaya mong maglabas ng 7k or 8k bukas para sumali sa isang networking company, hindi ikaw ang market ko.

Kung hindi mo kaya pero kaya mong pag-ipunan at aabutin ka ng ilang buwan o kahit ilang lingo man lang, hindi pa rin ikaw ang market ko.

Dahil ang market ko ay yung kayang magsimula agad at merong sapat na "pangangailangan" to fuel their desire. At isa pa, ayokong magdagdag ng problema sa mga taong nangangailangan na.

For the record, wala pang nagkwi-quit sa mga downlines ko, marami po nagdyo-join. If you want to see proof or just want to take a look around Technowise community (or you just want to have me entertained), just contact me via my Contact page. ^^)

Anyways, kung magkokomento kayo ulit, please feel free to do so. But I reserve the right to publish or not publish it. Depende siguro kung mas nakakaaliw dito sa una po ninyong komento. I do encourage everyone to post their comments INTELLIGENTLY or I'll have my little pamangkins practice their reasoning on your comments. Read the article and gather your thoughts first before commenting.