Pin It

Widgets

Ang Landing Page at Ang Pagbagsak ng Earnings.

Bumagsak ang adsense earnings ng blog na ito, awts! Anlaki ng changes (negative changes) waaaah! Ung iba kong blog ok naman, pero ito biglang kahapon umabot sa zero point 15 ang earnings pero ngaun 3 dollars chuva chuva cents na ulit. Sa nakalipas na mga months kasi eh naglalaro na sa 1, 2, 3 hanggang 4 na dolyar ang average earnings ng blog na to per day eh. Chineck ko ang stats, pareho lang naman ngaun at kahapon. Pareho ang dami ng unique visitors at pareho ng bounce rate, di nalalayo ang bilang ng mga kliks at ganun din ang ctr. Pero bakit why? Actually, may idea na ako kung bakit bumagsak ang earnings nitong blog na to eh. Dahil yun malamang sa pagbabago ng top landing page ko.

Ano ba ang Landing Page?

Ang landing page ay yung pahina ng website or blog mo kung saan pumasok o naglanding or in other words nag-entrance ang isang visitor ng blog mo. Ok?

Sa mga nakalipas na linggo sa buhay ng blog na 'to ay ang top landing page nito or yung madalas pasukan or point of entrance (tama ba un) ay ang mga entry ko tungkol sa hayden kho and maricar reyes scandals at nanatili yun ng matagal. Pero just last week, biglang kumana yung post ko tungkol sa Ako Mismo Dog Tag at biglang kahapon ay nalamangan nya yung entry tungkol sa Maricar reyes anuhan scandal at tuluyang naging top landing page nga yung Ako Mismo Article ko for yesterday.

Paano ito nakaapekto sa earnings ng blog na to?

Ganito yan. Magkaiba ang mga ads na naka display sa page kung nasan ang Maricar Reyes at Ako Mismo entry. Magkaibang ads na nakadisplay malamang magkaiba rin ng rates di ba? Maaaring ang mga ads sa Maricar Reyes entry ay mas mataas ang bigay kaysa sa Ako Mismo entry ko. At dahil kahapon nga ay ang top landing page ko ay yung Ako Mismo Dog Tag entry ko malamang ay doon din na-generate yung mga clicks. Kaya ayun, biglang bagsak ang earnings.

Hay naku. Ano ang dapat gawin sa ganitong sitwasyon?

Ano pa? Eh di mag-post ng bagong entry. Simple lang naman eh. Mag-blog ka ng mag-blog, given na pinapraktis mo ang search engine optimization (SEO) ha, at dadami ang traffic mo. Ganito talaga, basta blog lang ng blog at SEO lang ng SEO. Dadami din ang traffic at dadami din ang earnings.^^

2 comments:

SEO Newbie said...

Ah..ganun bah..nag-babasa ako sa blog mo..tanong ko lang ha..ano bah ang SEO para sayo..??alam ko na alam mo na malaki ang SEO..Maliban sa pag-post ng mga article saypng blog ano pang mga SEO technique ang pwede mo mong ituro...??A-asahan ko to na masagut mo..babalik ako d2 ulit para basahin ang mga sagot mo..happy BLOGGING..

mingkoy said...

@SEO Newbie:

Parang hindi newbie question yan ah.. LOL. Sasagutin ko parin ^^.

Ang SEO para sakin ay parang palaman. Ini-spread. Parang computer virus. Pinalalaganap. Parang math subject sa school. Tinuturo pa rin kahit mahirap.

Ang SEO ay IMPORTANTE.

Ang isang SEO technique na pwede ko pang ituro ay... PATIENCE.

Happy BLOGGING din..