Pin It

Widgets

Kikita ka naman talaga ng pera sa internet eh.

Oo, kikita ka talaga ng pera sa internet. Andami daming paraan para kumita ng pera sa internet. Andyan yung pwede ka magbenta ng aliw, totoo po ito, hindi ako nagbibiro, malaki ang kitaan dyan. Alam nyo na kung ano yung tinutukoy kong "aliw". hindi ko lang po pwede diretsohin dito dahil po bawal. Alam naman nating lahat na maraming kumikita dyan sa pang-aaliw online na yan eh, hihihi. Halimbawa yung aliwan on webcam. Malaki ang kinikita ng mga mang-aaliw na yan. At yan ay sa pamamagitan ng internet.

IKAW: Kaya kung gusto ko kumita ng pera sa internet eh kailangan ko pasukin yang pang-aaliw online na yan!? Ganun ba ang ibig mong iparating sakin ha Mingkoy?!

AKO: 'kaw, bahala ka. kung trip mo eh. hehe. Hinde. Hindi naman sa ganun. Sapagkat may iba pang paraan. Pwede ka rin namang magbenta ng ano mo sa internet...

IKAW: Anong ANO?! Ano yun?!

AKO: Kahit ano. Mag-buy and sell ka. May mga website dyan na pwede ka magpost ng libreng classified sa internet. Kumbaga eh pwede mo i-advertise ang mga bagay na gusto mong ibenta para mas marami ang makaalam at maging kostumer mo. Halimbawa na lang yung sulit.com. Pwede ka dyan magpaskil ng mga bagay na ibinebenta mo. kahit ano. Kahit laman pwede mo ibenta dyan (tocino, longanisa, atbp.).

IKAW: Ah... Kala ko kung anong laman eh..

AKO: Hehe. Kala mo lang yun. Yeeeeeeeeechichcikeeeeeee. Yan ang pinoy bersyon ng ebay. Ang proud na proud na sulit.com.ph!

AKO ulit: O di ba? Kikita ka talaga sa internet! Magbenta ka lang ng kung anu-ano online eh kikita ka na. Pero hindi maikakaila na mas malaki pa rin ang kikitain mo kung papasukin mo ang pang-aaliw online. Pero oras na pasukin mo yan, umasa ka na rin na sooner or later ay mapi-feature ka sa show ni Mike Enriquez. Nyahahahaha! hiheeeeeeekk eek! Eherm! Eherm! Excuse me po!

Sya nga pala sa mga bagong nagbabasa ng blog na to at nagbabalak na dibdibin ang mga pinagsasasabi ko dito sa blog na to eh siguraduhin nyo po na basahin ang lahat-lahat ng mga nakalipas kong mga post lalung lalo na yung "Paano kumita ng pera sa internet?" section. Lagi nyo po tatandaan kung ano yung mga SINASABI ko at HINDI ko sinasabi. Alam kong ang ideya ng pagkita sa internet ay talgang eksayting at interesanteng bagay. Pero ang pagkita sa internet ay hindi ko sinabing madali at hindi ko rin sinabi na mahirap, dahil ang pagkita ng pera sa internet ay nakadepende sa taong nagsasagawa nito. May mga taong hindi na matapos matapos ang tagumpay na tinatamasa sa larangang ito at syempre hindi pwedeng mawala ang mga talunan at mga bigo dito. Tagumpay at kabiguan. Alin lang naman sa dalawang yan ang pwede mong puntahan kapag pinasok mo ang larangang ito eh. At yun ay kung susubukan mo lang. Kung hindi mo susubukan ay hindi ka mabibigo at lalung-lalo na hindi ka magtatagumpay. Kung magtatanong naman po kayo kung magkano ang kinikita ko dito eh wag na kayong magtanong dahil may nauna nang nagtanong nyan at may sagot na ko dyan na matatagpuan nyo sa mga pahina ng blog na 'to. Pakihanap na lang po.

Alam nyo ba na nakabili na ako ng kotse dahil sa blogging, isang sports car na kulay matingkad na pula at tsaka isang private jet at isang yate...?
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Biro lang po. Hindi naman ganun kalaki ang kinikita ko sa blogging. Si carl ocab, ung isang batang pinoy na blogger eh kumikita ng libo-libong dolyar sa blog nya. Tingnan mo ung blog nya andaming adbertayser. Ung dun sa featured links nya.. At bawat isa dun ay nagbabayad ng piptipayb dollars per month sa kanya. Eh ilan yon!? Parang nasa sampu ata eh. Buhay na buhay na sya nun. Pwede na nya sesantehen ang mga magulang nya. hahaha. dyowk lang. Lahat tayo ay hindi dapat sesantehen ang mga magulang natin kahit pa kumita tayo ng malakimg pera sa internet. Dahil isa sila sa mga bagay na higit na mahalaga sa pera at materyal na mga bagay. Ang dapat na sesantehin ay ung mga tiwaling leader-lideran ng ating bayan na syang pumipitik sa mga pera na ating pinagtrabahuhan. Di ba? Parating nanaman ang 2010 election kung kaya't umiinit nanaman ang dugo ko sa mga trapo. Ayoko ko na nga manood ng TV at makinig ng radyo eh. Meron na kasing mga nagpaparamdam na mga pulitiko sa mga ito eh. Haaay!

Tama na yan. Hindi ito blog na pampulitika. Ito ay blog na tungkol sa pagkita ng pera sa internet. Nawawala na tayo sa topic. Sya, sya. Mabalik tayo sa topic natin... Kumag kasi si Congresman.. Kulit eh no. Teka.. Lalayu muna ako sa keyboard atkakain ng ice cream para makapag-isip.




Ayun. Kikita ka naman talaga ng pera sa internet eh. Pwede ka mag-pilot. Nyaaaa! Piloto? Oo, piloto. Hindi ng eroplano kundi ng mga character ng Cabal, Ran online at kung anu-ano pang mga online games. Meron kasing mga adikgamers na talagang adik na adik mahal na mahal ang mga in game characters nila at gustong gusto nila itong laging kasama at gusto nila ay makamit ng pinakamamahal nilang mga game characters ang pinakamalakas na estado nito sa pinakamaikling panahon. Ngunit hindi pupoyde dahil sa mayroong ibang umuokupa ng oras nila tulad ng trabaho, pamilya, syota at kung anu-ano pang bagay dito sa tunay na buhay. At ang solusyon na naisipi ng mga adik na to ay ang pag-arkila ng taong maglalaro ng mga game accounts nila sa isang partikular na online game. At ang tawag sa mga arkilahing taong ito ay "Pilot". Ang pilot ay binabayaran para lang laruin ang laro ng ibang tao. Minimum na bayad dito ay beinte pesos kada oras. Kaya kung ikaw ay isang adikgamer din ay poyde ka maging pilot at kumita ng pera sa internet. Humanap ka lang ng adik dyan sa tabi-tabi at bulongan mo... "gusto mo pilot kita, ha?" Ang simple diba? Pero kung ikaw naman ay isang medyo thunders na at naiilang maglaro ng online games at ni hindi mo alam kung ano ang ibig sabihin ng level-up eh hindi ito ang para sa iyo. Magbenta ka na lang sa sulit.com ng mga antigo mong koleksyon. Oy! Sa ebay poyde mo ipa-bid ang mga items na antigo. May nabasa nga ako na may kumita ng limang libong dolyar sa isang antique item na ipina-bidding nya sa ebay eh. Hindi ko matandaan kung anong klaseng bagay yung antique item na yun, ewan, lumang lumang lumang panti ata eh, o brip, basta parang ganun.

Teka po muna, kakain lang ako. Tuloy natin to mamaya. Balik lang kayo lagi dito sa... tentenenentenen! Pera Sa Internet! net! net! net!


Later.


Mingkoy.

No comments: