Showing posts with label make money online. Show all posts
Showing posts with label make money online. Show all posts

Honda XRM or Suzuki Raider?

1 comment:
I am planning to buy a cheap motorcycle that will fit my skinny built and satisfy my need for speed. That is why I am considering these two brands of underbone motorcycle, Honda XRM (125 cc and Suzuki Ryder R 150).

The Honda XRM and its feature.

I learned that the newest released of Honda XRM has a 125 cc engine and was designed to be tough on rough roads. Its look is the same as the old version xrm 110 except for some little changes like a higher suspension and the sticker design to have a more dynamic look. It has a knuckle guard to protect your hands when you try to crash it on a wall or do something as insane as that. It also has the new hydraulic disc so that when you try to crash it in to the wall but suddenly you changed your mind and don't want to die yet, you can have a firm and smooth stop thus saving the new knuckle guard from being shattered. It has an upgraded Euro II clean air world standard so its emission is less poisonous and hazard. Its fuel tank capacity is 3.8 liters. It has 93 kg dry weight. The wheel base is 1265 mm. Has free battery maintenance. And oh, it has a convenient push start button for a quick start when you feel like not kicking the kick starter (of course).

The XRM 125 looks like this:

click picture to enlarge




The Suzuki Raider and its feature.

The latest release is the Raider R 150. It has a 147.3 cc engine, 4 valve 4 stroke. It has a cooling system- air cooled. Not air conditioned, okay? It's impossible. It has a front and rear disc brakes. It has mag wheels. The Raider R 150 uses unleaded gasoline of 91 octaine and up. It has a rear suspension- swing arm with mono shock up and telescopic shock up for the front. The fuel tank capacity is up to 4.9 liters unlike the XRM that has only a 3.8 liter capacity. You can enjoy the clutch transmission and its 6 speed constant mesh (one down and five up).

The Suzuki Raider R 150 looks like this:

click photo to enlarge



So what do you think? XRM or Raider?

Mingkoy.

Paano Kumita Sa Internet? part 6

1 comment:
This is my sixth post for this blog and I hope that you find it helpful.

Sana po ay nakakatulong po tong blog na ito sa inyo lalo na sa mg bloggers na gustong malaman how to make money online blogging or sa tagalog ay “Paano Kumita Ng Pera Sa Internet?”

Maligayang pagdating po sa mga ngaun pa lang napadpad dito sa site na to.

Ang blog po na ito ay nagtatalakay ng mga paraan kung paano pagkakitaan ang internet especially ang blog. Opo. Kung ikaw ay may blog pero di mo alam kung papano ito pagkakitaan, magbasa lang po kayo dito. Kung kayo naman po ay talagang baguhan lang sa internet at di alam kung paano mag-setup ng blog eh lalaung mas maganda na basahin po ninyo ang mga nakasulat dito.

Lahat po ng information dito ay pawang walang bayad. In other words “LIBRE”. Pati po yung mga ituturo ko sa inyong paraan ay libre din. Hindi ko po kayo pasasalihin sa mga money making programs na gagastos kayo. Although diniscuss ko yung ilan sa mga un in my previous posts tulad ng mga PTC or Paid to Click Programs at iba pang make money online programs.

Mas gusto ko sana na mag-focus kayo sa blogging. Libre ang paggawa ng blog. Ang opportunity na kumita dito ay libre. Walang puhunan. Well, ang puhunan mo ay yung oras mo, lakas, (hindi naman masyadong madaming lakas), internet access, computer access, talento at imagination at ang pinakamahalaga- inspirasyon at pangarap. Dahil wala naman talagang bagay na zero cost. Somehow, you need to put effort pero wala po kayong ilalabas na pera dito.

So sa mga bagong dating dito, read my previous posts. Just navigate around this blog and you will find it somewhere at the right. Dyan po sa kanan. Ok? Okey…

EHERM!!! Excuse me po! Pasensya na sa mga friends at mga dati ng readers na nag-aabang nitong post na to.

Now, let’s continue with our making money online ventures.

Ang target natin ay ma-indexed ang blog sa mga Search engines tulad ng google at yahoo para magakaroon ng maraming visitors ang blog mo.

Kailangan mo gawin mga sumusunod na hakbang para masimulan ito.

Let us optimize the settings of your blog.

Una. Login to your blogger blog.

Click “settings”.

Click “formatting”.

Change “show” to “1 post on the main page”.

Sa “Show title fields” gawin mong “yes”.

Sa “show link fields” gawin mo din “yes”

Click “save settings”.

Next. Click “comments” tab.

Click “show” for “comments”

Sa “who can comment” click “anyone”.

Sa “comment form placement” click “full page”.

Sa “backlinks” click “show”.

Save Settings.

Yan. Simula na.

i-edit mo ngaun ung posts mo. Sa ilalim ng title ng post mo ay may space para sa link. Ilagay mo dun ung URL ng post mo na un. Copy mo mula sa browser mo tapos i-paste mo dun sa link field na un.

Gawin mo yan sa lahat ng posts mo.

Tapos…

Teka, masipag ka ba magsulat? At nag-e-enjoy ka ba sa pagbla-blog mo?

Tinatanong kita dahil kailangan na masipag ka at nag-e-enjoy ka sa blog mo. Dahil lilipas ang oras, araw, lingo panahon at walang resultang makikita. Talagang ganun. Ang blogging ay hindi po ‘get rich overnight’. Medyo matagal bago ma-index sa google at yahoo.

Sanbox.

Ayon sa mga beteranong mga blogger, ewan ko kung gaano ito katotoo ha, ang sandbox ay ung proseso ng google kung saan ang isang website ay parang naka-quarantine sa isang lugar nang ilang panahon bago i-index. Ganun din ang yahoo. Wala tayong magagawa sa sandbox na yan kaya maki-ride na lang tayo sa trip nila.

Ang kailangan mo gawin habang naghihintay na maindex ay mag-isip, magbasa, magsulat ng mga posts sa blog mo.

Syempre tandaan mo lang palagi ang rules tuwing magpo-post ka.

RULES

Use your keyword 24 times.
No less than 400 words per post.
Lagi ilagay ang keyword sa Blog Post Title.
Use your keyword in the first sentence.
i-bold ang keyword at least once.

Lagi mo lang tatandaan yang mga yan.

Next is “Backlinks”.

Ano ang backlinks?

Ang backlink ay ung mga mga link sa isang website papunta sa ibang website. Halimbawa, ang blog na ito ay may link sa blog ng friend ko. Ang tawag dun ay ‘backlink’.

Ano naman ang silbi nitong backlinks na to?


Dalawa ang nakikita kong pakinabang ng backlinks. Una , nakapagdye-generate ito ng traffic papunta sa blog mo. Syempre pag may nagklik sa link mo na nandun sa ibang website eh mapupunta sya sa blog mo di ba? Pangalawa, ang backlinks ay isa rin sa basehan ng mga search engines kung dapat ba nila i-index ang isang site or blog o hindi. Pag maraming site ang naka-link sa blog mo ay mamarkahan ka ng mga search engines na ‘important site’. Therefore ay ii-index ka nila. The more backlinks you have the more important your blog/site must be.


Bakit kailangan tong 'backlinks' na to?

Kailangan mo yan para ma-index ang blog mo sa first page ng search results ng mga search engines. At pag na-indexed na ang blog mo sa mga search engines tulad ng google at yahoo eh mas malamang na dadami na ang mga visitors/traffic ng blog mo. Dahil ang mga tao ay ginu-google at niya-yahoo ang mga bagay na hinahanap nila sa internet kailangan mo kumabit sa mga SE na yan. Gets ba?


Sa totoo lang ang labanan papunta sa first page ng mga search engines ay parang padamihan lang ng backlinks. Pero mahalagang factors din ang original and quality content at syempre ang age o edad ng isang blog. meaning ang matatandang blog ay nakakatanggap ng pag-galang at pagkilala mula sa mga SE.

May mga blog na bago lang pero nai-index kaagad sa mga SE. dahil un sa dami ng quality backlinks.

Teka, quality backlinks? Ibig sabihin may mga backlinks na wala wenta or low quality?

Sagot: “oo”.

Ung mga ‘quality backlinks’ ay ung mga link papunta sa blog mo galling sa ibang website na ang content ay may relevance o kaugnayan sa topic/content ng blog mo.

Halimbawa kung ang topic ng blog mo ay “gardening” tapos may link ang blog na un sa isang website na ang topic ay “how to raise hogs?” eh hindi un ikre-credit ng mga search engines na quality backlink. In other words, not counted. Hindi un masyado makakatulong sa blog mo para makarating sa first page ng SERPs pero makapagdye-generate pa rin naman un kahit papano kaya ok pa rin. Kaya awin mong pang araw-araw na gawain ang pagpo-promote ng blog mo sa mga social networking sites na meron ka, tulad ng friendster, myspace at kung anu-ano pa. At sa mga forums mgandang kuhaan ng backlinks ung mga un. Sali ka sa mga forums tapos lagi ka magpost dun tapos iwan mo ung link papunta sa blog mo.

Medyo mahirap tong backlinks na to ah.


Oo. lalo na kung ang kakumpetensya mo sa keyword/niche mo ay milyun-milyon. Check mo ung keyword mo kung gaano karami ang kakumpetensya. I-search mo sa google or yahoo.

Ano? Dami ba?

Dami no?

Haaay! Dami.

O pano na? Magbubuntong hininga ka na lang ba dyan? O sisimulan mo na ang paggawa ng una mong backlink at pagpro-promote ng blog mo?

Magsasawa ka ba agad at mawawalan ng gana? O Magsisimula ka?

Kaw ang bahala dyan.


Sa susunod kong ipo-post tatalakayin natin ung paggawa ng siguradong quality backlinks. Medyo nabitin lang po kasi tong post na to kasi naman po ay sobrang busssssssssssy ng buhay ko. haaaaay. Pag-paumanhin nyo po yan lang po muna sa ngayon.

Antabayanan nyo lang po ung next post ko dito sa Pera sa Internet.

Yehey!

Mingkoy




Paano Kumita sa Internet? part 2

1 comment:
Gud am mga Pinoy!

Balik na tayo sa ating lesson “ paano kumita sa internet?” Dun sa last post ko ay tinalakay natin ung paid-to-click Programs kung saan maari nating pagkakitaan sa internet. At binigay ko sa inyo ung list ng mga top paid to click paying sites.

Pag-usapan naman natin ung Paid to Read E-mail.

Ang mga Paid to read e-mail tulad ng Wordlinx, Emailcashpro, at iba pa ay isang money making program na wala kang gagawin kundi magbasa ng emails at pagkatapos ay kikita ka na. Halos lahat sa mga paid to read emails ay free to join. Libre! Ayos sana to eh, kaya lang nung mag-join ako sa isang paid to read email program eh excited ako nung una. Pano ba naman magbabasa ka lang ng email eh babayaran ka na. wow! Easy money. Pero nak ng pucha bawat email na babashain mo ay $0.10 cents. Sa isip-isip ko eh maliit lang pala. Pero ayos kung maraming email. Marami din ang $0.10 cents ko. at Eh kaso ndi regular ung pagsend nila ng email sakin (mga 2-3 times a week lang) at pag-walang email to read no money to earn. Pero may gimik dito. Magrefer ka ng marami at lalaki ang kita mo. Kailangan lang masipag at madiskarte ka sa pagrefer dahil tulad din po ng paid to click ads itong paid to read emails- you earn commissions from the earnings of those you refered.

Excited ka na ba? Teka teka, always remember na maraming scam na mga ganitong programs. Again, ung mga tipong tatakbuhan ka at di babayaran matapos sayangin ang oras mo. Kaya sabi nga ni John Lloyd ay “ingat!” Check the company background before joining any program, magtanong sa mga forums, i-search sa google at yahoo, tandaan: google is your friend. And after you do all these, decide weather you want to join or not. Ang totoo pong mabisang paraan para malaman kung ang isang program ay Scam o hindi is to join. As long as its free, you have nothing to lose.

Eto ung isang paid to read email na sinalihan ng friend ko. Kumita na sya dito ng $30.00. last month lang. Ang liit naman! Bakit? Sinong ayaw ng $30.00 dollars monthly ng walang kapagod-pagod- Emailcaschpro.

Sya nga pala, wag na natin pag-usapan ung “paid to surf” programs. I don’t recommend this kind of programs because it requires a member to download a software that may contain malware and spywares. In short, mamomroblema ka lang sa virus. Masira pa pc mo. I DO NOT recommend it for beginners. Pero bigyan ko kayo ng ilang information tungkol dito sa Paid to Surf program na to.

Ito ay isang program na wla kang ibang gagawin kundi magsurf sa internet gamit ang kanilang “mahiwagang” toolbar at kikita ka na. Kaya ko sinabing mahiwaga ay dahil ito nga po ung inerereklamo ng mga user nito na mayoon daw spywares, malwares at sapat na dami ng virus para sirain pati ang ulo mo.

Haaay. Tama na yang paid to surf na yan.

Isa pang money making program sa interenet ay "Get Paid To Fill Up Online Surveys". Ito ung mga programs na wala kang gagawin kundi ang mag-fill up ng survey ung iba ay may membership fee ung iba naman ay free to join. Ang kita dito ay depende sa qualifications mo. Kung ikaw ay qualified sa isang specific na surevey papadalhan ka nila ng email na inviting you to fill that survey. Pagkatapos mo ma-fill-upan ung survey ay babayaran ka nila through paypal. Ung iba ay sinasabi na kumikita sila ng max $150 for each survey. Pero hindi naman daw sila madalas ma-invite to fill a survey. Once or twice a month lang daw. Kung interested kayo sa online survey na sinasabi ko eh i-google nyo na lang o kaya hanapin nyo sa page na to. Parang may link ata jan sa gilid eh..

Pero tandaan nyo: bago kayo mag-join sa kahit na anong money making program eh i-background check nyo ung company. Bisitahin nyo muna ung site nila tapos look for their Terms of Service. Read it carefully.


Nagugutom na ko. Kain muna ako. Balik na lang kayo ulit. Sa next post ko, tatalakayin naman natin ung paraan para kumita sa blog. At kung ano nga ba ung blog para sa mga beginners na nagbabasa nito. Take note: may mga mga pinoy na kumikita ng hundreds and even thousands of dollars per month sa pamamagitan ng pag-bla-blog.

Kaya stay tuned for more of “Paano Kumita Sa Internet?”

Cheers!


Mingkoy




Paano Kumita ng Pera sa Internet?

3 comments:
Welcome to Pera-Sa-Internet. Ang website na ito ay ginawa ko para sa mga Filipino na gustong kumita sa internet.

Marami sa ating mga pinoy ang naghahanap ng extra income dahil sa hirap ng buhay ngayon. Many Filipinos are looking for extra income today because of the poor economic situation. Monthly salaries from our regular jobs are not enough that's why many filipinos are seeking ways to earn extra money.

Ang di po alam ng marami ay pwedeng kumita gamit ang computer at ang internet. Malamang po na nabalitaan nyo na may ilang Filipino na kumita ng malaki gamit ang internet. Kung matatandaan nyo, may isang episode sa isang talk show titled "Mel & Joey" ay na-feature ang isang pinoy na kumita sa pamamagitan ng 'blog'. Mamaya po ay ipapaliwanag ko sa inyo kung ano ang blog at kung paano kikita ang isang pinoy sa pamamagitan nito.

Paano nga ba kumita sa internet?

Maraming sagot sa tanong nating ito. Try nyo po, mag search kayo sa google or yahoo i-search nyo ang "paano kumita sa internet?" or if you want it in english: "how to make money online?" at siguradong ang resulta nito ay milyun-milyong sagot sa inyong search. Pero tama ba ang mga ito? Totoo nga kaya? baka naman eklabu at kalokohan lang or joketime hehe lang. Well, yung iba ay totoong kikita ka yung iba naman ay mga scam lang at yung iba naman ay sasayangin lang ang oras mo at iinisin ka lang at malamang matrauma ka pa at di na humawak ng pc forever. To tell you the sad truth karamihan sa mga sagot na lalabas sa search results ay ang mga sagot na hindi nyo hinahanap pero may ilan pa rin naman na tunay na mapapakinabangan nyo. Ang sumusunod ay ang ilan sa mga tinutukoy ko:

Update July 8, 2012: Punta kayo dito: make money with Technowise360para matutunan kung paano kumita ng pera through internet sa maliit na 360 pesos na puhunan.

Money Making Programs. Tulad ng Paid to Click ads, Paid to Read E-mails, Paid to Surf, etc..
Itong mga money making programs po na ito ay naglipana sa internet. Pero ingat ka sa pag-join sa mga to dahil karamihan sa mga ito ay scams hala ka... Teka, alam ko nagtatanong ka na sa isip mo kung ano ba tong 'Paid to Click Ads', Paid To Read E-mails' at 'Paid to Surf ' na to eh. Unahin natin ung 'Paid to Click Ads'.

Paid To Click Ads- ito ay isang money making program na wala kang ibang gagawin kundi mag-click ng ads tapos ibyu-view mo ung ads ng 30 seconds (tatlumpung segundo) at sa bawat pagclick na gagawin mo ay kikita ka na. Dollars po ang kita dito. Wow dollars $$! Naririnig kita. Wag ka, kailangan po ng tyaga dito, maraming maraming tyaga. At kailangan masipag ka magrefer kasi pag marami ka narefer mas kikita ka ng malaki sa pagkat ang sa kikitain ng na-refer mo ay may commision ka.
Pero always remember, tulad ng sinabi ko kanina... mag-ingat sa pag-join sa mga to kasi nga po ay maraming scam na mga ganitong programs- yung mga tipong tatakbuhan ka at di ka babayaran. But thank God meron pa naman na talagang nagbabayad sa mga members. Madali naman malaman kung scam o hindi eh. I-background check mo ung company. O kaya magtanong tanong kayo sa mga forums sa internet. Pwede nyo rin i-google, search nyo yung list ng mga legitimate paid-to-click programs. Teka lang po ah, meron akong alam na list ng mga Top paying sites eh. Check nyo na lang sa susunod kong post ha.

Update: eto na po ung list ng top paying Paid-to-click sites at mga Free to join lang po ung mga nandito. : click nyo to>>> [update: tinanggal ko na po ang link dahil lahat ng mga paid to click sites included in the list turned out to be scams. Magpatuloy lang po sa pababasa to para sa iba pang paraan ng pagkita ng pera sa internet.]

Read carefully then decide if you want to join.

Update ulit
: Pero para sa mga hindi interesado at nakakaalam na ng mga PTC sites na to, wag nyo na lang pansinin ung link na yan. Ang totoo po ay mas gusto ko na mag-focus kayo sa mga susunod kong ituturo sa inyo. Continue reading na lang po.

Good luck sa inyo.

Haay. Inaantok n ko. Yan na muna ngayon. Sa susunod na topic natin ay tatalakayin natin ung ibang paraan kung paano kumita sa internet. So come back soon here on "Pera Sa Internet".

Cheers!

-mingkoy

Eto po ung part 2 click here>>>> PART 2