Bueno, kaya ako nagbalik dito ay para sabihin sa inyo ang isang napaka-importanteng tip. Kung kayo ay merong blog at pinagkakakitaan nyo ito through ads, iwasan nyo na maglagay ng sobrang daming ads sa top ng inyong layout. Ayaw na ngayon ni G ang mga pages na maraming nakabalandrang ads sa gawing itaas ng mga sites kung kaya binababa nya ang rankings ng mga ito sa search results. Lalo na kung madami ang trapik ng blog nyo, siguradong tatamaan kayo kung ang placement nyo ng ads ay yung tipong "in your face!". Wag nyo pong gayahin ang layout nitong PSI blog ko dahil ito ay isang example ng layout na "in your face!" na sya namang ayaw ni G. Hindi ko pa lang binabago kasi kaunti lang din naman ang trapik nito dahil na rin sa napapabayaan ko na.
Oo, nakakabwisit. Nakakainis. Dahil ang top spot or above the fold area ng mga blog ang syang pinakamagandang spot para sa mga ads for more visibility. Pero kailangan nating makibagay. Tandaan, wag yung tipong "in your face!" ang layout ha. Yun lang.
Isa pa nga palang dahilan ng aking pagbabalik ay dahil sa may binabalak akong gawing eksperimento. Papasukin ko ang MLM or Multi-Level Marketing. In other words, pyramiding. Kapag kumita ako, syempre ise-share ko dito ang kwento at mga taktika ko. Kung ako ay maging biktima naman ng isang scam, syempre ikukwento ko rin dito para makapag bigay babala sa iba. Susugal ako. Magsasakripisyo ako para malaman ko once and for all kung totoong kumikita sa MLM/Pyramiding na yan. Ako na ang magte-take ng risk. Ako na ang magbi-bida-bidahan. Na engganyo akong gawin to dahil thru online ang recruitan. Di mo na kailangan mangumbinsi ng personal at di mo na rin kailangan mapagtawanan at mapagdudahan. Yan ang mga dahilan kung bakit di ako sumali noon sa mga MLM na yan eh (well, bukod sa malaki ang risk o ang investment) kahit pa na nakita ko na feasible sya at may potential.
Itong isang to na sasalihan ko ay mababa ang risk - nasa 855 pesos lang ang investment (700 para sa membership/kit at 155 para sa door to door delivery service fee). At ang pinaka nakatawag ng pansin ko ay ang operation nila ay through internet. Mag-rerecruit ka through internet. At ang ibig sabihin nun, maaapply ko ang skills ko sa blogging at internet marketing not to mention my skills in S-E-O. Di ba? Tama ba ako mga pare mga misis?
Ang sistema ay ganito: pag sumali ako, magkakaron ako ng package na may lamang mga produkto na di ako interasado. Tapos magkakaron din ako ng account sa website nila at ng referral link na sya namang gagamitin ko para sa pambibiktima este pag-rerecruit ng iba. Pag may nag-sign up thru my referral link, yung taong yun ay magiging downline ko at ganun din ang gagawin nya pag nakapag-recruit sya. Tinignan ko ang compensation plan nila at ayon sa aking pagkakaunawa ay nasa 11,000 pesos ang maaaring kitain per week. Too good to be true diba? Pero parang affiliate marketing lang din. Too good to be true din yun pero totoong may kumikita. Yung pagkakadiskubre ko na pwede pala kumita sa blog, too good to be true din yun pero kumikita ako ng above average dito. Kaya ayun, nagdesisyon na ako na sumubok nitong MLM/Networking/Pyramiding na to. Bahala na kung maging scam man, at least ay maisusulat ko dito ang karanasan ko sa kanila at kung paano nila ako nilinlang, inalipusta, niyorakan at pinagsamantalahan kung sakali man at sisiguruhin ko na idudugtong ko ang pangalan nila sa iba't-ibang klaseng mura (lols) nang sa ganon ay makapag bigay babala na rin sa iba. Pero wag naman sana.
Ang blog na ito ang syang gagamitin kong pangunahing kasangkapan para sa pagre-recruit at pagtulong na rin sa mga marerecruit ko na makapagrecruit din para naman mapabilis ang proseso. Ngayon, kung meron po sa inyo na gusto rin na magsugal ng 855 pesos, gustong mag-take ng risk at magbida-bidahan para na rin mapatunayan sa sarili at sa iba kung pwede nga ba kumita sa MLM through online, eh damayan nyo ako at magtulungan tayo.
Paunawa po, para lang po talaga ito sa mga nais mag-take ng risk. Para lang po sa mga nais sumugal. Malaki rin ang 855 pesos pwede nyo yan pang jolibee or pang nood ng sine. Didiretsohin ko na po kayo, ang kailangan ko pong maging partners dito ay yung mapusok at di takot mawalan ng 855 pesos kung sakali na magkabulilyaso. Naiintindihan nyo naman po siguro ang ibig ko sabihin. Kung mabulilyaso at na-scam tayo, edi ganun talaga. Ang konsuwelo na lang natin ay makakapagbigay babala tayo sa iba sa pamamagitan ng pagsusulat ng ating karanasan. Kung magtagumpay naman, edi ise-share natin sa iba kung paano ang gagawin at lalo pa nating palalawigin. Hanggang dito na lang muna, mag post ulit ako ng iba pang tips sa susunod at ilalahad ko na rin ang aking plano para sa MLM na tatawagin kong Operation: Paano Kumita ng Pera sa MLM through internet -shet, ampanget ng name lolz!
4 comments:
interesting. pero totoo bang kumikita sa pag blog?baka trip mo lang silipin blog ko tapos alipustain mo na din. hehehe. gusto ko lang makita ng isang taong may alam sa blogging para alam ko kung saan ako nagkamali. actually hanggang part#7 pa lang steps mo nabasa ko. i intentionally skip ung optimization, saka ung magsulat sa go articles atbp. ano pa isusulat ko sa blog ko if sumusulat na ako sa iba - for free. un lang. :-p
hi akoemotera,
opo. totoo po basta wag lang po tungkol sa batong buhay ang topic ng blog nyo. pero okey lang po na di maniwala hehe... at tsaka ate, wala po akong trip na mang-alipusta ng blog ng iba kasi masama po yun at tsaka, ano... wala akong time. hihi.
Anyway, may punto ka dun sa sinabi mo na "ano pa ang isusulat mo sa blog mo kung sumusulat ka na sa iba".. pero kung atin pong babalikan ang mga aralin sa blog na to, ang pag-submit sa mga artikel direktori ay paraan para makakuha ng mga links papuntang blog mo ng sa ganun ay tumaas ang rankings ng iyong blog sa search results ng gugel. Pero meron pa namang ibang paraan maliban sa pagsa-submit. pwedeng press release, rss direktoris, atbp.
itong paraan na ito kasi ang pinakamabisang paraan na meron kang kontrol.
teka, ano po yung pagkakamali na tinutukoy ninyo na inyong nagawa?
Cheers!
hi mingkoy,
salamat sa response. i am so honored. true, walang halong chos. naniniwala naman ako, may mangilan ngilan din akong sinulatan na at nagpapa-totoo na may pera sa blogging bukod sa basura.parang sa charismatic lang. eniway,salamat sa mga articles mo.don talaga ako nagsimula. binigyan nya ako ng pag asa na kumita habang sa online blogging ko pinapraktis ang kadaldalan ko.cge, cguro high time na to work on back links and optimization.about sa pagkakamali, hindi ko alam kung tama ung configuration ko, lay out, rss feeds. pero sabi mo wala kang time cguro hindi mo na rin masisilip pa ung akin. i mean ung blog ko. lol. understandable naman na ung mga mucho dinero nang katulad mo ay sufer busy.
baka try ko ung sa mlm mo. kakailanganin ko muna ng isang maliit na pagpupulong dahil ang 700 pesos ay maraming red horse na ang mararating.
ciao, ingat!
hi emotera,
walang anuman. I am also honored dahil meron pa palang nagbabasa ng mga nginangakngak ko dito. hehe.
At dahil dyan, nagalak ang aking puso at dahil sa pagkagalak ng aking puso, sisilipin ko ung sayo.. I mean yung blog mo lol.
tungkol naman dun sa mlm, totoo po na ang 700 ay maraming red horse ang katumbas at ang bawat bote ng red horse contains some very fine barley that died in the process of making it kaya naging mahirap din sakin noon na isakripisyo sila dahil naiisip ko ang sakripisyo ng mga barley na iyon. pero para rin naman sa kanila ang ginagawa ko. gusto ko na ang 700 ko ay maging 11,000 para mas maraming red horse ang mainom ko. alam ko na maiintindihan din nila ako.. talagang nasaktan ako nun, xerex (lol) pero kailangan ko gawin.
Anyway, baka magpost ako this week ng tungkol sa blogging tips so meynteyn meyteyn lang po kayo dyan.
cheers!
Post a Comment