Pin It

Widgets

Honeypie

Hello world! October 1 na. Kakatapos lang ng pananalanta ng bagyong Ondoy dito sa Pilipinas. Hindi ko pa rin makalimutan ang hitsura ng paligid nung bumabaha. Mga sasakyang inaanod ng tubig at tataob taob. Ang mga taong nakakasalubong ko na patungo sa mga evacuation area at ang kwentuhan nila kung paano biglang nilamon ng tubig ang mga tahanan nila. Ang mga bangkay na lulutang lutang sa baha. Kotse, lubog. Pedicab, lubog. Barong barong, lubog. Townhouse, lubog. Nilebel ng tubig baha ang mahirap at mayaman. Pinagpantay ni Ondoy ang bawat estado ng buhay.

Lahat apektakdo. Lahat malungkot. Pero ang nagpalungkot pa sakin to the bones ay birthday ngaun ni Honeypie ko at hindi ko sya makasama. Gusto ko sana gawing espesyal tong araw na to para sa kanya. Ganito sana ang formula ko eh: bulaklak+cake+wine+romantic date+shopping ng konti+kasama ang baby namin= hapi bortdey, pero mukhang di uubra ngayon eh. E pano ang tagal mag-issue ng payment ni Big G.

Hon, gusto ko sana sabihin na "happy birthday"... Pero pasensya na. Babawi na lang ako.

Aylabyu.

No comments: