Pin It

Widgets

Paano Kumita Sa Internet? part 6

This is my sixth post for this blog and I hope that you find it helpful.

Sana po ay nakakatulong po tong blog na ito sa inyo lalo na sa mg bloggers na gustong malaman how to make money online blogging or sa tagalog ay “Paano Kumita Ng Pera Sa Internet?

Maligayang pagdating po sa mga ngaun pa lang napadpad dito sa site na to.

Ang blog po na ito ay nagtatalakay ng mga paraan kung paano pagkakitaan ang internet especially ang blog. Opo. Kung ikaw ay may blog pero di mo alam kung papano ito pagkakitaan, magbasa lang po kayo dito. Kung kayo naman po ay talagang baguhan lang sa internet at di alam kung paano mag-setup ng blog eh lalaung mas maganda na basahin po ninyo ang mga nakasulat dito.

Lahat po ng information dito ay pawang walang bayad. In other words “LIBRE”. Pati po yung mga ituturo ko sa inyong paraan ay libre din. Hindi ko po kayo pasasalihin sa mga money making programs na gagastos kayo. Although diniscuss ko yung ilan sa mga un in my previous posts tulad ng mga PTC or Paid to Click Programs at iba pang make money online programs.

Mas gusto ko sana na mag-focus kayo sa blogging. Libre ang paggawa ng blog. Ang opportunity na kumita dito ay libre. Walang puhunan. Well, ang puhunan mo ay yung oras mo, lakas, (hindi naman masyadong madaming lakas), internet access, computer access, talento at imagination at ang pinakamahalaga- inspirasyon at pangarap. Dahil wala naman talagang bagay na zero cost. Somehow, you need to put effort pero wala po kayong ilalabas na pera dito.

So sa mga bagong dating dito, read my previous posts. Just navigate around this blog and you will find it somewhere at the right. Dyan po sa kanan. Ok? Okey…

EHERM!!! Excuse me po! Pasensya na sa mga friends at mga dati ng readers na nag-aabang nitong post na to.

Now, let’s continue with our making money online ventures.

Ang target natin ay ma-indexed ang blog sa mga Search engines tulad ng google at yahoo para magakaroon ng maraming visitors ang blog mo.

Kailangan mo gawin mga sumusunod na hakbang para masimulan ito.

Let us optimize the settings of your blog.

Una. Login to your blogger blog.

Click “settings”.

Click “formatting”.

Change “show” to “1 post on the main page”.

Sa “Show title fields” gawin mong “yes”.

Sa “show link fields” gawin mo din “yes”

Click “save settings”.

Next. Click “comments” tab.

Click “show” for “comments”

Sa “who can comment” click “anyone”.

Sa “comment form placement” click “full page”.

Sa “backlinks” click “show”.

Save Settings.

Yan. Simula na.

i-edit mo ngaun ung posts mo. Sa ilalim ng title ng post mo ay may space para sa link. Ilagay mo dun ung URL ng post mo na un. Copy mo mula sa browser mo tapos i-paste mo dun sa link field na un.

Gawin mo yan sa lahat ng posts mo.

Tapos…

Teka, masipag ka ba magsulat? At nag-e-enjoy ka ba sa pagbla-blog mo?

Tinatanong kita dahil kailangan na masipag ka at nag-e-enjoy ka sa blog mo. Dahil lilipas ang oras, araw, lingo panahon at walang resultang makikita. Talagang ganun. Ang blogging ay hindi po ‘get rich overnight’. Medyo matagal bago ma-index sa google at yahoo.

Sanbox.

Ayon sa mga beteranong mga blogger, ewan ko kung gaano ito katotoo ha, ang sandbox ay ung proseso ng google kung saan ang isang website ay parang naka-quarantine sa isang lugar nang ilang panahon bago i-index. Ganun din ang yahoo. Wala tayong magagawa sa sandbox na yan kaya maki-ride na lang tayo sa trip nila.

Ang kailangan mo gawin habang naghihintay na maindex ay mag-isip, magbasa, magsulat ng mga posts sa blog mo.

Syempre tandaan mo lang palagi ang rules tuwing magpo-post ka.

RULES

Use your keyword 24 times.
No less than 400 words per post.
Lagi ilagay ang keyword sa Blog Post Title.
Use your keyword in the first sentence.
i-bold ang keyword at least once.

Lagi mo lang tatandaan yang mga yan.

Next is “Backlinks”.

Ano ang backlinks?

Ang backlink ay ung mga mga link sa isang website papunta sa ibang website. Halimbawa, ang blog na ito ay may link sa blog ng friend ko. Ang tawag dun ay ‘backlink’.

Ano naman ang silbi nitong backlinks na to?


Dalawa ang nakikita kong pakinabang ng backlinks. Una , nakapagdye-generate ito ng traffic papunta sa blog mo. Syempre pag may nagklik sa link mo na nandun sa ibang website eh mapupunta sya sa blog mo di ba? Pangalawa, ang backlinks ay isa rin sa basehan ng mga search engines kung dapat ba nila i-index ang isang site or blog o hindi. Pag maraming site ang naka-link sa blog mo ay mamarkahan ka ng mga search engines na ‘important site’. Therefore ay ii-index ka nila. The more backlinks you have the more important your blog/site must be.


Bakit kailangan tong 'backlinks' na to?

Kailangan mo yan para ma-index ang blog mo sa first page ng search results ng mga search engines. At pag na-indexed na ang blog mo sa mga search engines tulad ng google at yahoo eh mas malamang na dadami na ang mga visitors/traffic ng blog mo. Dahil ang mga tao ay ginu-google at niya-yahoo ang mga bagay na hinahanap nila sa internet kailangan mo kumabit sa mga SE na yan. Gets ba?


Sa totoo lang ang labanan papunta sa first page ng mga search engines ay parang padamihan lang ng backlinks. Pero mahalagang factors din ang original and quality content at syempre ang age o edad ng isang blog. meaning ang matatandang blog ay nakakatanggap ng pag-galang at pagkilala mula sa mga SE.

May mga blog na bago lang pero nai-index kaagad sa mga SE. dahil un sa dami ng quality backlinks.

Teka, quality backlinks? Ibig sabihin may mga backlinks na wala wenta or low quality?

Sagot: “oo”.

Ung mga ‘quality backlinks’ ay ung mga link papunta sa blog mo galling sa ibang website na ang content ay may relevance o kaugnayan sa topic/content ng blog mo.

Halimbawa kung ang topic ng blog mo ay “gardening” tapos may link ang blog na un sa isang website na ang topic ay “how to raise hogs?” eh hindi un ikre-credit ng mga search engines na quality backlink. In other words, not counted. Hindi un masyado makakatulong sa blog mo para makarating sa first page ng SERPs pero makapagdye-generate pa rin naman un kahit papano kaya ok pa rin. Kaya awin mong pang araw-araw na gawain ang pagpo-promote ng blog mo sa mga social networking sites na meron ka, tulad ng friendster, myspace at kung anu-ano pa. At sa mga forums mgandang kuhaan ng backlinks ung mga un. Sali ka sa mga forums tapos lagi ka magpost dun tapos iwan mo ung link papunta sa blog mo.

Medyo mahirap tong backlinks na to ah.


Oo. lalo na kung ang kakumpetensya mo sa keyword/niche mo ay milyun-milyon. Check mo ung keyword mo kung gaano karami ang kakumpetensya. I-search mo sa google or yahoo.

Ano? Dami ba?

Dami no?

Haaay! Dami.

O pano na? Magbubuntong hininga ka na lang ba dyan? O sisimulan mo na ang paggawa ng una mong backlink at pagpro-promote ng blog mo?

Magsasawa ka ba agad at mawawalan ng gana? O Magsisimula ka?

Kaw ang bahala dyan.


Sa susunod kong ipo-post tatalakayin natin ung paggawa ng siguradong quality backlinks. Medyo nabitin lang po kasi tong post na to kasi naman po ay sobrang busssssssssssy ng buhay ko. haaaaay. Pag-paumanhin nyo po yan lang po muna sa ngayon.

Antabayanan nyo lang po ung next post ko dito sa Pera sa Internet.

Yehey!

Mingkoy




1 comment:

Slacker said...

Thanks for the information Mingkoy. I didn't know the keyword rule at first but now I know.

Thanks