Pin It

Widgets

Mahirap Kumita ng Pera sa Internet Kung Closed Minded Ka

Hello mga readers at tagasubaybay ng ating "Paano Kumita ng Pera Gamit ang Blog Lessons?". Kung datihan na po kayong followers ng blog na ito, hindi lingid sa inyong kaalaman na ako ay sumali sa Kaffea, mag-iisang buwan na ang nakalilipas, para busugin ang gutom na gutom na kyuryusidad/duda hindi lang ng aking sarili kundi nating lahat, kung maaari nga bang kumita gamit ang Facebook at ang MLM o Networking business. Well, eto ang ilan sa mga bago kong natutunan sa pagsali ko dito.

Mahirap matutong kumita ng pera sa internet kapag closed minded ka. Ang hindi mahirap, bukod sa taong grasa, ay ang maging closed minded o magsarado ng isip lalo na sa panahon ngayon. Kapag merong oportunidad na hindi maintindihan sa una, wag mo na pansinin o suriin ng mabuti. Bansagan mo na agad ng "scam yan". "Di kikita yan". "Lokohan lang yan". "Gawa ng demonyo yan". "Pyramiding yan. Hinding-hindi mo ko mapapasali sa pyramiding, ano ako tanga? Wise to, men!" Ganyan ang gawin mo at wag ka na mag dalawang-isip. Wag ka na mag-isip para todo na sabay pasok ka na sa work mo.


Litrato mo at ng Pyramiding. Closed minded ka kasi kaya di mo alam. Ngayon alam mo na.
Oo, may pagkakaiba ang closed minded at ang pagiging tanga o engot. Pero hindi porke iniwasan mo maging tanga ay automatic na wise ka na. Kung marunong ka umiwas sa pagiging engot, safe ka dyan sa kinlalagyan mo, hindi ka mahuhulog. Ang bad news, hindi ka aakyat. Hindi ka aangat. Dahil para umangat, bukod sa kailangan mo ng tungtungan o hagdanan, kailangan maging wise ka. Para maging wise ka, kailangan maging matapang ka at higit sa lahat kailangan open minded ka.

Adapt to technology change, Maderpader!
 
Sa linya ng propesyon ko, which is ang pagiging internet marketer, marami na akong nakilalang tao na talagang sarado ang isip maging online man o offline. Isang magandang halimbawa ang blog na to. Inumpisahan ko tong blog na to para i-share sa mundo ang noon ay bagong nadiskubre kong opportunity -- ang pagkita ng pera sa internet gamit ang blog at para na rin itala ang mga natutunan ko, nang sa ganun ay may mababalikan akong "notes" kung kailangan. Lumipas ang panahon at nakilala itong blog na to. Marami ang natuto at nagpasalamat, marami rin ang di naniwala sa mga pinag-dadadaldal ko. Marami ang di makapaniwala na pwedeng kumita gamit ang kompyuter at internet. Hindi sila makapaniwala na ako, ang maraming bloggers, ang may-ari ng sulit.com at ang may ari ng Inquirer website ay iisa ng pinagkukunan ng kita. Napatunayan ko na sa sarili ko at sa mga followers nitong blog na to na pwedeng kumita ng pera gamit ang blog. Ngayon, Facebook naman ang gagamitin kong tungtungan para idagdag sa binubuo kong hagdanan paakyat.

Kaya Mo Matuto Mag-Isa Pag Open Minded Ka
 
Nagtyaga ako sa pagsusulat dito pero nawalan ako ng time sa pagpopost ng tungkol sa pagkita ng pera sa internet at naging busy na rin ako sa iba ko pang super secret blogs na syang pinagkukunan ko ng kita. At siguro dahil na rin sa mahirap talaga magpaliwanag sa mga readers lalo na sa mga sobrang baguhan na punong puno ng energy -- nako! Ayaw tumigil sa kaka-email sakin ng mga tanong. Mahirap ipaliwanag ang Search Engine Optimization, ang importance ng backlinks, ang niche blogging, ang article submission, ang RSS, ang link baiting, ang keywords, ang high trend - low density keyword ambush, ang manyak magnet technique, ang on-page at off-page optimization, ang HTML, naku po at ang CSS! Sa madaling sabi, tumigil na ako sa pagbibigay ng tips at nabitin ang mga readers ko. (i-research mo ngayon yung mga pinagsasabi ko para matutunan mo, libre yan. Kakain nga lang ng oras. Months!)

Pero kahit pala tumigil ako sa pagtuturo ng mga tricks sa blogging, may naituro pa rin pala ako sa kanila. Ito ang pagiging open minded. May mga nag-email sakin, nagpapasalamat at kumikita na sila ng $xxx per month sa mga blogs nila ng WALANG puhunan kundi computer at internet connection, at kundi daw dahil sa akin ay nakikipag unahan pa rin sila sa pagsakay sa MRT/LRT ngayon papasok sa day job nila at kahit daw nabitin sila sa mga lessons ko ay natuto naman silang maging mas observant at open minded na syang nagbukas sa kanila sa mas malulupit at mas matindi pang kaalaman.

Mabalik Tayo Sa Pagkita ng Pera Gamit Ang Facebook

Possible ba to?

Kung "Oo" ang sagot mo, pwede mo pag-aralan dito: Make Money on FB.
Kung ang sagot mo naman ay "HINDI. 100 years na ako gumagamit ng internet kaya alam ko na hindi pwede kumita ng pera gamit ang Facebook! Pyramiding yan!", click HERE.

"The only place opportunity cannot be found is in a closed-minded person."
 

No comments: