Cheers!
Taglish Mode
Posted by
mingkoy
Okey, taglish mode tayo tutal hindi rin naman nai-index ng maayos ang mga bagong post ko dito eh kaya wala rin saysay ang magpost ng mga hi-jacked kiworrrds. Anak ng pating! Hindi na talaga bumalik sa pagkaka-index ang mga post ko dito ah.. Hehe. Mukhang hindi na love ng crawler ang mga bago kong post. I-share ko na lang din sa inyo ang mga naranasan ng blog na ito at ng spectacular na author nito sa mga nagdaang mga araw. Ang blog na ito ay nagpapatuloy na makaranas ng de-indexing sa serps mula ng pagpasok ng taong 2010. Hanggang sa mga oras na ito na tinitipa ko ang mga tiklado ng talapindutan ng mga letra ng kompyuter ko ay patuloy ang pagdausdos ng mga bago kong post pababa sa serps. Wala naman problema ung mga dati kong posts at nananatili silang sitting pretty sa serps. Hindi ko mawari kung anong nangyayari. Kaya minarapat ko na lang na magbakasyon ng ilang araw at nagbaka sakali na paghihilumin ng panahon ang sugat ng Pera Sa Internet. LOL! Ngunit ngayon, muli kong tsinek ang kalagayan nitong blag-blagan ko at napag-alaman na hindi pa rin sya binabalikan ng swerte. Kaya eto at sishare ko na lang ang mga pangyayari. Ganito kasi yun, nagsimula ang lahat ng maging astig ang PR ng blog na ito. Sa lupit kasi ng pag-optimize ko dito ay biglang naging PR4 mula sa pgiging PR2. Marami ang nag-aasam ng ganitong PR at biruin mong ang isang pangit na blog na may pangit na title (yung may ari lang ang hindi pangit LOL!) ay makukuha ang ganitong PR?? Nakatulong ang link building at ang frequent posting sa aspetong ito. Nang magsimula nang maging PR4 ang blog na to, ay bigla ring pinutakte ng mga website na nagsi-syndicate ng mga feeds at nag-o-autobookmark. Eh kasi nga PR4 kaya naging favorite ng mga naturang auto kopya website. Kopyang kopya talga pati wrong grammar at wrong spelling ko lol! Minsan nainis ako dahil ung nagsi-syndicate ng feeds ko ay mas nai-index pa kesa sa posts ko. Ini-mail ko nga yung isa eh. Sabi ko pag di nila tanggalin sa pagkaka-autobookmark ung blog ko ay iiyak ako. LOL! Ayun, nagreply naman agad at tinanggal nila ang blog na to sa pagkaka-syndicate sa site nila. Hindi ko na babanggitin ung name ng site baka sumikat pa eh.. Nyahaha. Actually, sikat talaga at super seoptimized talaga ang site na yun at maganda pagkuhaan ng backlink pero hindi para sa blog na to. Ayun, nagbasabasa ako ng mga forums at napag-alaman ko na may mga katulad na kaso din pala ang kinakaharap ko at ito ay lumalabas na kaso ng duplicate content. Ang masama, ang mga posts ko ang tinuturing ng Big G na duplicate sa halip na yung mga nagsi-syndicate ng blog posts ko, kaya ako ang natatanggal sa index. Ewan ko lang, pero syempre kinikilingan ng Big G ang mga mas prominente at "trusted" sites kahit pa ito ang may kalokohan. Ano ba naman ang free hosted blog na to kumpara sa mga super sites na yun..? Sadyang malupit ang kapalarang sinapit ko, Xerex.. Ahaha! Seriously, nakakahinayang talaga ang nangyari dahil nasa 300 mahigit pa lang ang posts ko dito at malayo pa sa limits. Sayang naman kung ito na ang wakas ng Pera Sa Internet. Kailangan makagawa ako ng paraan kung kaya sa sinuman pong may mabuting puso ay marapatin nyo po na magbigay ng pera payo sa akin upang magtuloy-tuloy pa ang mumunting blog na ito. Nananawagan po ako sa mga expert na naliligaw dito sa blog ko, sana po ay mabigyan nyo po ako ng konting tips jan kung paano ko maipapagpag ang problemang kumapit sa blog na to. Hindi ako sigurado kung dahil nga dun sa duplicate content penalty kaya nagkaganito ang blog na to. Maaaring may problema din sa on-page setup ko. Isa pang pero, wala naman akong ginalaw sa on-page ko nung mga panahon na yun.. Ewan ko ba. Ang wish ko ay sana madamay din ang post na ito sa pag-syndicate ng mga kopya sites para matawa man lang ako. Haaay. Wala, naisip ko lang, kung di naging PR4 ang blog na to, hindi kaya ito kakainin ng mga malalaking kopya sites tulad ng nangyayari ngayon? Yun lang. Salamat blogosphere!
Cheers!
Cheers!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment