Anong bounce?
Ibig sabihin, pagdating nila dito eh umaalis na agad, maaaring kinoclose agad nila ung browser or nagkli-klik sila ng mga patalastas. Kaya ayun antaas ng bounce rate ko. Ang mataas na bounce rate ng isang blog ay masama.
Paano ito nakakasama sa isang blog?
Pag mataaas ang bounce rate mo, ibig lang sabihin nun para kay gugel ay ala ka wenta na site kasi pag dating ng visitor eh layas din agad. Kaya mababa rin ang convertion rate sayo pag mataas ang bounce rate mo.
Best Remedy.
Isang dakilang paraan na sya naman talagang effective ay ang pagpo-post ng mga super informative at mahaba pero di boring na mga articles. Sa ganitong paraan, magtatagal ang visitor sayo at mas malaki ang chance na magpunta pa sya sa iba mong pages sa blog mo.
Ang bounce rate ko ay tumaas nung nagpasya ako na gumawa ng entry tungkol sa mga anuhan scandals ni hayden kho at ng mga babae sa buhay nya. Bakit tumaas? Dahil nakarating ako sa first page ng search results sa target kong keyword, andaming nagse-search ng mga aktwal na video na nag-aanuhan si hayden kho atbp. Eh wala naman talaga ditong makikita na mga ganung kalaswaan kaya ayun , nung mahalata nila, hala panay na ang bounce nila dito. Pero ok lang. Kasi part yun ng aking tunay na layunin, at ito ay ang ipaalam sa madla na may ganitong blog. Dumadami na ang direct traffic ko at returning visitors ko and this time dun sila nagla-landing sa 'paano kumita ng pera sa internet lessons' at homepage.
Mingkoy.
No comments:
Post a Comment