Pin It

Widgets

Hay Buhay! Blog Life.

Hay naku blog life, akalain nyo, ang blog na ito ay natatagpuan ng mga tao sa pamamagitan ng paghahanap nila ng mga scandal videos nina Hayden Kho, Maricar Reyes, Katrina Halili, Ruffa Mae Quinto at Vicky Belo at hindi sa pamamagitan ng mga salitang "Pera Sa Internet". Well, may mga mangilan-ngilan na nakakarating dito na talagang naghahanap ng paraan kung paano kumita ng pera sa internet via blogging, pero kapansin-pansin na mas marami talaga ang mga visitors ng blog na ito na napadpad dito sa pamamagitan ng mga search query kaugnay ng Hayden Kho scandals nitong mga nakalipas na linggo.

Balikan ko lang ang aking layunin kung bakit ko sinimulan ang blog na ito...

Hindi masyadong matagal na panahon na ang nakalilipas, ako ay nagpasyang gumawa ng blog na syang magtatalakay sa blogging at kung paano ito maaaring pagkakitaan ng isang pinoy. Kung kaya sinimulan ko ang pag-gawa ng blog na ito na pinangalanan kong tentenenen! "Pera Sa Internet"!.

Bakit ko ito ginawa? Merong dalawang prinsipyo ang blog na ito:

Una. Para mas kumita pa ng pera sa internet. (Gusto ko sanang unahin na dahilan ko ay para makapagbigay ng kapakipakinabang na inpormasyon sa kapwa Pilipino pero magmumukha lang akong ipokrito, Hehe.)

Pangalawa. Makapag-provide ng medyo may silbing inpormasyon sa mga kababayan. (Yan, sa pangalawa na lang sya) ^^

Ang target readers ko lang sana sa blog na ito ay ang mga Pinoy internet users, ngunit ang inyong lingkod ay tao lamang at lubhang natukso sa potensyal ng blog na ito na kumita ng pera sa internet kung kaya ako ay nagpasya na magpost na rin ng English articles (kahit mali mali ang grammar) at mga topic na umaabot na sa puntong wala nang kaugnayan sa dapat na topic lang ng blog na ito: ang 'pera sa internet'.

Bakit nanaman?

Dahil sa pamamagitan nito, mas maisasakatuparan ko ang pangalawa at unang prinsipyo ng blog na ito.

Halimbawa, kung ang isang pinoy ay nag-search ng 'maricar reyes part 3 ' at sa kamalasan nya ay napunta sya dito sa blog na ito, syempre wala dito yung hinahanap nyang malaswang video na nag-aanuhan sa sofa sina hayden at maricar, malamang na mababasa din nya sa mga pahina nito ang tungkol sa pag-bla-blog at pagkita ng pera rito dahil nakabalandra sa palibot ng pages nito ang mga links ng 'paano kumita sa internet lessons' ko at pinagsisigawan na ng title ng blog na to di ba ang PERA SA INTERNET!. May posibilidad na magkainteres sya dito at magpatuloy sa pagbabasa ng mga entries ko tulad ng 'Paano kumita ng pera sa internet?' article ko. O di ba? May porsyento ng mga taong ito ang magbabalik sa blog na ito hindi dahil sa scandal videos kundi dahil sa bagong kaalaman na natuklasan nila at nais nilang subukan... At ito ay ang "How to make money online gamit ang blog?!".

Ang pinupunto ko po rito mga mahal kong mambabasa, ay isang magandang paraan para ipaalam sa mga tao na ang blog mo ay umiiral o nag-e-exist ay ang pagsakay sa mga maiinit na isyu. Paminsan-minsan ay mapapakinabangan mo din ang pagiging off topic. Well, magandang paraan ito para sa akin dahil nasubukan ko na at nagustuhan ko ang naging resulta sa aking blog life.. Ewan ko lang din kung gagana at magiging maganda ito para sa inyo.

Okey, ikwekwento ko sa inyo...

Isang araw pumutok ang balita, si katrina halili at hayden kho ay may video scandal na nasa internet na at kumakalat. Nabalitaan ko ito isang hapon na masakit ang ulo ko. Napatigil ako sa pag-laklak ng kape at napaisip. "Naku, ang sexy ni katrina halili at si hayden kho ay hindi ko kilala pero si katrina ay sikat ay ilang taon nang sexiest woman sa FHM... Hmmm". Maraming tao ang nagnanasa na makita ang kahubdan nya... Hmmm. Matagal akong nag-isip (mga 5 minutes). Tapos biglang sumagi sa mapaglaro kong isipan ang blog ko na muntik ko nang malimutan na umiiral pala sa internet. Haha! Ngumiti ako ng masamang ngiti at sinabi ko sa isipan ko: "ibla-blog kita!Nyahahaha!" Okey, hindi talaga ako tumawa nun. Sa madaling sabi, nagpasya akong iblag ang naturang balita dahil alam ko na marami ang maghahanap nito sa internet at kung kakayanin ko na makarating sa mga unang pahina ng mga search engines ay malamang na dadami ang mapapadpad dito at malalaman nila na may ganito palang blog. Ang resulta: tumaas ang returning visitors ko at direct traffic. ^^ Yehey! Bumabalik sila at binabasa ang mga pinagsusulat ko dito sa blog na to. Haaay naku. Mukhang wala nang hintuan to. Kailangan ko ipagatuloy ang blog na 'to. Kaya mga dati nang readers at mga bagong mambabasa ng blog na'to, steady lang kayo dyan may mga susunod pa akong entries.

Cheers!

Mingkoy.

This is a post about my blog life.

No comments: