Pin It

Widgets

Mainit at Nagbabagang Kwento

Ang init!!

Hindi ako makapagkonsentreyt.

Pero pipilitin ko na katasin ang naluluto kong utak para may ma-share ako sa inyo, syempre tungkol pa rin sa topic natin na paano kumita ng pera sa internet.

Malamang eh busy ka ngayon sa pamba-backlink mo. Sa dami ba naman ng article submission directories na ibinigay ko sa inyo dun sa last postng blog na to eh, malamang hanggang ngayon nagsusulat ka pa. Sige lang. Tira lang ng tira.

Malamang kahit papano ay tinatablan ka ng katamaran sa pagsulat ng mga articles na isa-submit mo sa mga article directories. Idadag mo pa ang kaloob sa atin ng kalikasan na sobrang init. Kaasar eh 'no.

Kaya nga nandito ako ngayon at nagpo-post nanaman dahil alam ko na posibleng tamarin kayo sa pagsusulat ng mga articles. Nandito ako para gabayan kayo. Friends tayo eh. Kapwa Pinoy. Kaya tutulungan ko kayo para hindi kayo tamarin.
Paano?

Ganito.
Hahagupitin ko kayo ng latigo para tuloy lang ang pag-gawa nyo ng article. hahahaha!.

Anlupit mo pala Mingkoy!

HInde....

Biro lang.

Kwekwentuhan ko po kayo para mainspayr kayo ng konti.

Kaya pumwesto na kayo at makinig ng mabuti. Magbasa pala ng mabuti. Sorry. Hindi nga pala tayo magkakarinigan dito.

Okey. Itong i-kwekwento ko sa inyo ay halaw sa tunay na pangyayari. Totoong naganap sa planeta natin.

Tungkol pa rin to sa blogging at pera sa internet (syempre).

Eto na.

Hindi masyadong matagal na panahon na ang nakalilipas, may isang bata. Isang trese (13) anyos na bata ang nagsimulang mag-blog. At ayun lakas kumita ngayon. Dollars. Thousands. Sya si Carl Ocab. Kilala rin na Kid Blogger. Dalawang taon na ata ngayung namamayagpag ang blog nya sa keyword/niche na 'make money online'. Ilang beses na sya na-feature sa mga peryodiko at na-feature na rin sya sa national television. Try mo i-search sa gugel yung 'make money online', andun sya sa top. Minsan pangalawa minsan pangatlo. Pero hindi sya nawawala dun. Astig yang bata na yan. Anlaki na ng kinita nya sa internet.

Lupit eh no.

O ayan. Sana eh mainspayr kayo lalo at sipagin ng todo at sagad.

Sya nga pala. Ang kwentong ito ay minsan ko nang nabanggit sa blog ko na make money online stories.

O pano? Tuloy na sa pagsulat ng articles.

Good luck po!

Yehey!

Mingkoy.

PS.
Para po sa mga bagong readers na gustong malaman kung paano mag-set-up ng blog at pagkakitaan ito, basahin lang po ang 'paano kumita ng pera sa internet lessons'.
Enjoy learning!

2 comments:

Mr. Green said...

Thank you sa inspiring kwento tungkol kay Kid Blogger. Ako ay mag one year na nag bla blog pero di pa ako kumikita nang pera. Libo libo na ang nabayad ko sa internet connection pero sa ngayon $0.17 palang kinikita ko sa page impressions, sa tanya ko aabutin pa nang 10 years bago ko ma reach ung $100.00. Bilang kababayan pwede mo ba ako tulungan sa aking blog na bisitahin naman nang ung mga followers at bigyan mo naman ako nang mga tips para maging successful ang aking blog. Gusto ko nang sumuko pero dahil sa inspiring mong kwento, itutuloy ko ang laban. Salamat nang marami..

Mr. Green said...

Ang blog ko pala ay http://mrgreenpinoy.blogspot.com/