Sa mga interesadong malaman ang mga nalaman ko kung paano kumita ng pera sa internet gamit ang blog, you can start HERE.
Sa mga dati na pong nagbabasa ng blog na 'to "Pera Sa Internet", it's time to ping the blog directories. Madami ka na ba posts? Original content ba yan?
Kung oo ang sagot mo sa mga katanungan na yan eh pwede mo na i-ping yung mga blog directories. Teka muna, balikan natin kung ano nga ba ang pampi-ping baka kasi nalimutan na po ninyo. Ang ping ay, teka batiin ko lang yung pinsan ko na si Pong (uminom kami kagabi bortdey ko kasi, na-lashing ako:). Pong kumusta jan sa looban?
Okey.. Ang ping po ay ang proseso na kung saan ay parang kinakalabit ung mga search engines para ipaalam sa kanila na ang blog mo ay umiiral sa internet.
Nung nakaraan kong post ay tinuro ko sa inyo kung paano i-ping ung mga search engines tulad ng G**gle at Y*hoo diba? Ngayon naman ang target natin ay ang mga blog directories tulad ng Technorati- ang pinakamalaking blog directory sa buong solar system. Ito ay para ma-index naman ang blog mo sa mga blog directories para sa mas ikagagaling at ikahuhusay ng blog mo pag dating sa aspeto ng pagkuha ng traffic papunta sa iyong blog. Sa madaling sabi, pampadami yan ng traffic.
Ok. Let's ping the largest blog directory in the solar system: Technorati!
Go to technorati.com at i-klik ang 'Ping Us' dun sa pinakababa ng homepage nila.
Pwede ring ganito.
Click 'join' dun sa homepage nila. It's FREE. Libre nanaman.
Fill up the form na lalabas.
Pagkatapos ay mag-sign in ka na sa technorati account mo.
Tapos, hanapin mo yung 'claim your blog'. At sundin mo lang ng maigi yung mga instructions dun.
At ayun! na-ping mo na ang pinakamalaking blog directory sa solar system.
Yan na po muna sa ngayon...
Biro lang.
Eto pa!
Listahan ng ilan sa mga blog directories kung saan pwede mo i-submit ang blog mo.
http://5starblogs.com
http://addyourblog.com/submit.php
http://allafrica.com
http://autosmoto.com
http://biggerblogger.com
http://blawg.org
http://blawgrepublic.com/submit.php
http://blogarama.com/add-a-site
http://bllogs.com/submit/
http://blogaz.net/
http://blogcatalog.com
Ang konti naman!!
O eto pa! 'ETO! Clik mo to!
Andami nyan.
Note: bawat isa sa mga blog directories na yan ay may iba-iba ang mga steps kung paano ka makapagsa-submit ng blog sa kanila kaya basahin nyo na lang pong mabuti ang nilalaman ng mga yan. Kasi kung ipo-post ko isa-isa dito eh baka maubos yung space dito sa blogspot. LOL.
Mahabahabang trabaho nanaman yan ano? Ganyan talaga pag gusto mo kumita ng pera sa internet.
Pwede nyo naman po yang unti-untiin. Isabay sa almusal, tanghalian, meryenda at hapunan. Busog.
Sa susunod kong mga ipo-post ay tatalakayin natin ang pagerank (PR).
That's all for now folks!
Marami pa tayong pag-uusapan tungkol sa topic natin na paano kumita ng pera sa internet?
Yehey!
Mingkoy.
No comments:
Post a Comment