Paano Kumita Sa Internet? part 4

13 comments:
Good Evening Pilipinas!

Nagbabalik po ang inyong tagalog blogger- Mingkoy.

Palakpakan….!

Nandito po ulit ako para ituloy ang lesson natin sa topic na ”Paano Kumita ng Pera Sa Internet?

Sa mga bagong readers ay nirerekumenda kong basahin muna ang mga previous posts ko na “Paano Kumita ng Pera Sa Internet? Part 1” at eto po ung Part 2 at Part 3. Para mas maintindihan po ninyo kung para saan ba talaga ang blog na to at para masundan nyo ng maigi ang paraan para kumita sa blog..
Wag po kayong mag-alala, wala pong bayad ito. Ang lahat po ng impormasyon na nandito ay libre lahat.

Para sa mga dati ng tagasubaybay ng blog na ito….

Tuloy na natin….

Google Adsense.

Ang Google Adsense ay isang program na gingamit ng karamihan ng mga bloggers at mga website owners sa buong mundo para kumita.

Paano?

Mag-observe po kayo. Karamihan ng mga website at blog ay may makikita kayong mga advertisements/ads o ung mga patalastas na kadalasan ay under the words “ads by Google” or “Sponsored Links”. Kung mapapansin nyo, meron nito ang friendster at iba pang paborito nyong websites. Kahit ang blog na ito ay meron ding ads. Punta kayo sa top ng page na to at makikita nyo ung tinutukoy ko. O kaya po ay tumingin kayo dyan sa kanan. May mga ads po dyan na pwede nyo ma-klik.


See it? Dyan kumikita ang isang blog or website. Ang tawag dyan ay Google ads or Adsense ads.

Pag may visitor ng blog mo ang nakakita dyan at nagkainteres sya sa nakasulat sa ads na yan syempre ikli-click nya un di ba? At sa pag-click nya na yun ay kikita na agad ang may-ari ng blog… at ikaw yun!

Kaya kung may blog ka at meron kang Google Adsense ads sa blog mo ay malamang kumita ka dito. Yun ay kung may bibisita sa blog mo at magkli-click sa mga ads mo dun. Ngek! Eh paano kung wala?! Napaisip ka no? Kaya nga ang tip ko sa inyo nung umpisa ay “PUMILI KAYO NG TOPIC NA SA TINGIN NYO AY INTERESTED ANG MARAMI SA TOPIC NA YUN” dahil pag mas marami ang may interesado sa topic mo ay mas marami ang readers/visitors ng blog mo at mas malaki ang chance na may magkainteres din sa mga ads na nandun sa blog mo at magclick sila dun at ikaw ay kumita…
Ang tawag po dito sa mga interesting topic na to ay “niche” or “keyword”. Napakaimportante po nito. Bakit? Dahil sa keyword or topic mo nakasalalay kung may bibisita bas a blog mo o wala… Halimbawa, ang topic/keyword mo ay “gardening” ang malamang na bibisita sa blog mo ay ung mga interested sa gardening at sila rin yung mga may potensyal na mag-click sa ads mo sa blog mo. Paano ko nasabi? Dahil ang mga Google ads ay nakadepende din sa content at keyword/topic mo. Kung ang topic mo ay ‘gardening’ ang malamang na lumabas na ads sa blog mo ay ung mga ads na may kaugnayan sa laman ng blog mo, for example ‘gardening tools’ or ‘beautiful flowers for sale’.

Nasusundan po ba ninyo ung mga pinagsasabi ko dito…?

Kung meron po kayong mga katanungan ay i-email nyo po ako dito sa . O kaya naman ay i-post nyo ung tanong nyo sa comment section sa baba.

Original Content…

Importante din na ang laman ng blog mo ay mga original content. Original na gawa mo at hindi ung mga article na na-copy mo lang sa ibang website tapos ipe-paste mo… wag ganun! Dahil ayaw ng Google ng mga kopya-kopya. Ang tawag nila sa mga blog na ang laman ay pawang mga articles na kinopya sa ibang website ay ‘Spam Blog’.

At kailangan English content. Kahit hindi masyadong ‘nose bleed’ articles basta understandable. Bakit kailngan English? Dahil malaking bahagi ng mga blog readers ay Amerikano or English readers. 300 million readers.! At yan dapat ang targetin natin dahil sa kanila nagmumula ung mga quality clicks.

Application for Adsense.

Ang simple lang di ba? Magsusulat ka lang ng original na content mo tungkol sa isang interesting na topic tapos maglalagay ka lang ng Google ads sa blog mo tapos pag may nag-click sa mga un… boom! Kikita ka na kagad. Dollars pa. Ranging from $0.60 cents to $4.00 dollars per click. Depende sa klase ng ads na trip ilagay ng Google sa blog mo.

Wow! Ang galling!

At syempre ang ituturo ko sa inyo ay kung paano nyo lalagyan ng ganyang ads ung blog nyo.


So, may blog ka na at may mga posts ka na sa blog mo di ba? Now is the the time to sign up for a Google Adsense account.

Are you ready?

Eto na!

First, go here>>> Adsense and apply for a google adsense account.

Take the time to read the steps dun kung pano mag-sign up ha! Wag tira ng tira. Check your spelling. Focus.

Kapag na-fill-upan mo na ung application form dun at nasubmit mo na, kailangan mo huminga ng malalalim at humugot ng pasensya at maghintay ka.. Kadalasang inaabot ng 1 month bago maaprove ung application sa Google Adsense.

Kaya habang naghihintay ka na ma-approve ung application mo ay simulan mo nang pagandahin ung blog mo at magpost ka ulit. At syempre kailangan ung i-po-post mo ay ung may kaugnayan dun sa topic/keyword mo. Ang tawag dito sa stage na to ng pagbla-blog ay ‘optimization’.

Ang primary goal mo ngaun ay ang ma-indexed o mailagay ang blog mo sa Search Results Pages (SERPs) ng Google at Yahoo. Ang tawag dito ay Search Engine Optimization. Known to website publishers as SEO.

Bakit kailangan mo na mailagay ang blog mo sa mga Search Engine Results Pages ng Google at Yahoo!?

Simple lang. Example: Ang blog mo ay tungkol sa gardening. Syempre may mga taong interested sa gardening from around the world. Pag ang mga taong to ay nag-search sa Google at Yahoo ng word na ‘gardening’ at lumabas sa page results ang blog mo, ano sa tingin mo ang posibleng mangyari? E di mas malamang na may bumista sa blog mo at mas malamang na may mag-klik sa ads mo dun. Di ba?

Teka, teka. Wala ka pa nga palang Adsense account di ba? Di pa approved. Kapag nailagay or na-indexed sa Google Search Results Pages ang blog mo ay mas mapapadali na ang pag-approved ng Google Adsense application mosapagkat mamarkahan ka ng google na important site. Ayos di ba? Hint: Lahat ng mga pinagsasasabi ko dito ay may kaugnayan sa isa’t-isa.

Magagawa mo lang na ma-indexed sa mga Search Engine Results Pages (SERP) kung tama at wasto ang paggamit mo sa keyword mo.

Important: wag mong gagasgasin ung keyword mo ng masyado ha. Ayaw ng Google nang paulit-ulit na nababanggit ang isang keyword. Ang ideal na bilang ng dami kung ilang beses mo dapat ulitin ang keyword mo sa mga post mo ay 6 hanggang 7 times for every 100 (one hundred) words.

Halimbawa, ang topic/keyword mo ay ‘gardening’ tapos ang laman ng post mo ay ganito:

“Welcome to my Gardening website. This site will teach you everything about gardening. Because you need to know everything about gardening, I will give this this free gardening tips so that you will be able to do better in gardening. So come back soon for more gardening tips only here on my gardening website. Happy gardening!”

Aw! Wag ganun! Ayaw ng Google ng ganyan. Pag ganyan kagarapal ang pag-gamit mo sa keyword mo eh mamarkahan ka ni Mr. Gugel na ‘Spam Blog” at baka di pa ma-approved ung adsense application mo. Kaya laging isaisip at isapuso ang mga sinabi ko dito sa blog na to ha.?

Ok ok kahit wag na isapuso. Isaisip na lang. Para ndi O.A.

Seryoso… lagi nyo pong tandaan ang tungkol sa wastong pag-gamit ng keywords.

‘Nak ng pucha.! Tandaan nyo ha!

Ok. Mukhang natandaan nyo na…

Sige na. Yan na muna sa ngaun. Sa susunod kong mga posts ay idi-discuss ko kung paano mo ilalagay ung adsense ads sa blog mo at kung alin ung pinakamagandang spot.

At syempre idi-discuss ko rin ng mas malalim ung tungkol sa Search Engine Optimization (SEO).

Salamat sa inyong patuloy na pag-subaybay dito sa “Pera Sa Internet”.

So, abangan nyo po ang susunod na kabanata ng “Paano Kumita ng Pera sa Internet?”

Yehey!

-mingkoy

Paano Kumita Sa Internet? part 3.

4 comments:
Magandang afternoon sa inyong lahat.

Dun sa last posts ko ay tinalakay natin ung some of the ways how a Filipino can earn money on the internet. Like Paid to Click Ads at Paid To Read Emails.

Para sa mga hindi pa nakabasa ng mga un ay narito po ang link: Paano Kumita Sa Internet Part 1

At eto naman po ung: Part 2

Now let us proceed to our next topic on "Paano Kumita Ng Pera Sa Internet?"

Blogging...

Ano ba ang 'blog'?

I hear you ask. Ang word na 'blog' ay hango sa salitang 'weblog'. Ang blog ay isang web page. Ang binabasa nyo ngayon ay isang blog.

Ano ang pwedeng gawin sa blog?

Sa blog ay pwede nyo isulat ang kahit na anong gusto nyong isulat at ilathala o i-publish sa internet. Nang sa ganon ay mabasa ng buong mundo kung ano man yung naisip nyo na isulat dito.

Halimbawa, sa di inaasahang pagkakataon ay biglang pumasok sa mapaglaro mong isip na nais mong ipaalam sa buong sanlibutan ang iyong mala-teledrama-super-kakaiyak-and-mega-inspiring life story ngunit hindi mo alam kung paano... Pwede mo tong gawin sa blog. Kung gusto mo ibuyangyang ang buhay mo sa buong mundo- put it in a blog.

Isa pang halimbawa. Nais mong mag-feeling master or hustler sa isang bagay. Kunwari: "Paano kumain ng apoy" pwede mo rin isulat un at i-share ang kaalaman mong ito sa pamamagitan ng blog.

"Eh pano 'ko kikita jan sa blog na yan?" Tanong ka nanaman.

Bago ang lahat. Gusto ko lang liwanagin na lahat ng sinasabi o sinusulat ko dito ay base lamang sa aking karanasan bilang blogger. Ako po ay may maliit na computer shop na nakatirik sa kung saan dito sa lupain ng Pilipinas. Sa paglipas ng mga araw na nakaupo ako dito ay na-encounter ko tong mga paraan na to na sa kasamaang palad ay hindi itinuturo o isini-share ng iba nating kababayan na kasalukuyan ng nakikinabang na ng malaki dito. Oo nga at merong ilang nagsasabi na kikita ka sa pamamagitan ng blog pero walang nagtuturo ng eksaktong step by step kung paano gagawin ito. Ang mga tao pong ito ay ung mga may intensyon lang na bentahan kayo ng mga Money Making Programs na mahirap unawain o intindihin ng isang pangkaraniwang pinoy bukod pa ang bayad nito. At ang pinakamasakit at nakapagpapadugo ng ilong sa sakit ay "walang nagtuturo nito in Taglish!!!"

Kaya nga naispan ko tong gawin tong blog na to eh... Filipino... Para sa yo.... ang blog na to. Lol.Haaaay. Mag-umpisa na nga tayo parang katunog ko na si Pacquiao eh.

Paano kikita sa 'blog'?

Pagse-set up ng Blog....

Follow carefully..

Una. kailangan mo ng blog na tulad nitong binababasa mo ngaun. i recommend Blogger.com

Punta ka jan sa blogger.com at mag-sign up ka dun. Libre lang un. Pero mas maganda kung may naisip ka nang topic na gusto mo ilagay sa blog mo bago ka mag-sign up. Tip: mag-isip ka ng topic na sa tingin mo ay marami ang may interest dun sa topic na un dahil ang kita dito ay nagmumula sa interest ng marami. At hanggat maari ay English ang language na gamitin mo, panalo dito ung mga marunong sa english.

Mga Important things to remember when signing up for Blogger.com:

Kailangan na ang ilalagay mo dun sa desired URL ay mga salitang may kaugnayan sa topic na lalamanin ng blog mo ang tawag ng mga blogger dito ay 'keyword'. (ang 'URL' nga po pala ay ung website address ng blog mo). Napaka-importante nito . Halimbawa, ang balak mo isulat sa blog ay about "Gardening" in this case, ang magandang ilagay sa URL ng blog mo ay http://making-a-garden.blogspot.com mapapansin nyo po na may salitang 'garden' sa URL na yan di ba? pero sa ngaun malamang eh may nakakuha na ng URL na yan. Pag nakita mo tong "this blog address is not available" magisip ka ng ibang salitang pwedeng idugtong sa keyword mo na 'Gardening' or 'Garden', basta may kaugnayan pa rin sa topic mo. Halimbawa, kung about "Gardening" ang topic mo at ang blog address na http://making-a-garden.blogspot.com ay not available gawin mong
http://growing-a-garden.blogspot.com


Maliwanag ba tayo jan mga ate at kuya? kung may tanong po kayo i-email nyo ko.

Tapos, pag- nakita mo na ung nakasulat na "start bloggin" click mo un.
Next. start posting. Magsulat ka na tungkol sa napili mong topic. Write in english.

Pag magpo-post na kayo. Makikita nyo to:


Dyan nyo isusulat ang posts nyo about your topic.
Mas maganda kung ang first post nyo ay may kaugnayan na agad sa topic na balak mo isulat sa blog mo.
Eto example, kung ang balak mo nga na topic ay "gardening" mas maganda kung ang mga words na gagamitin mo sa posts mo ay may kaugnayan sa word na "gardening".
Tulad nito:

"Welcome to "Growing a Garden". This site will provide tips and just everything you need to know about growing a garden so always come back for more of "Growing A Garden" tips.

At wag kalimutan na ilagay mo sa title ng posts ay may kaugnayan din sa topic mo.
Halimbawa, kung "Gardening" nga ang topic mo... ang dapat na titile ng first post mo ay

Welcome to " Growing A Garden
"

Pagkatapos mo ilagay ang first post mo about your topic, hit "PUBLISH POST".


There you have it. Ang una mong blog!

Pagkatapos nito. Magpost ka ng medyo mahabahaba ng konti. Let's say 400 words. At kailngan may kaugnayan sa topic at title ng blog mo. Pag nagawa mo to ay pwede ka na mag-sign up sa Google Adsense- ang isa sa pinaka-importanteng pyesa sa mga blog.

Tatalakayin natin sa susunod kong post kung ano ang Google Adsense at bakit ito kailangan ng isang blogger para kumita sa blog.

Teka. Nahihilo na ko kakasulat. Yosi muna ako.

Balik lang po kayo dito sa blog ko lagi para sa mga update about "Paano Kumita Sa Internet?"

Cheers.

Mingkoy

Eto po ung Part 4 click nyo to>>>> Part 4

Paano Kumita sa Internet? part 2

1 comment:
Gud am mga Pinoy!

Balik na tayo sa ating lesson “ paano kumita sa internet?” Dun sa last post ko ay tinalakay natin ung paid-to-click Programs kung saan maari nating pagkakitaan sa internet. At binigay ko sa inyo ung list ng mga top paid to click paying sites.

Pag-usapan naman natin ung Paid to Read E-mail.

Ang mga Paid to read e-mail tulad ng Wordlinx, Emailcashpro, at iba pa ay isang money making program na wala kang gagawin kundi magbasa ng emails at pagkatapos ay kikita ka na. Halos lahat sa mga paid to read emails ay free to join. Libre! Ayos sana to eh, kaya lang nung mag-join ako sa isang paid to read email program eh excited ako nung una. Pano ba naman magbabasa ka lang ng email eh babayaran ka na. wow! Easy money. Pero nak ng pucha bawat email na babashain mo ay $0.10 cents. Sa isip-isip ko eh maliit lang pala. Pero ayos kung maraming email. Marami din ang $0.10 cents ko. at Eh kaso ndi regular ung pagsend nila ng email sakin (mga 2-3 times a week lang) at pag-walang email to read no money to earn. Pero may gimik dito. Magrefer ka ng marami at lalaki ang kita mo. Kailangan lang masipag at madiskarte ka sa pagrefer dahil tulad din po ng paid to click ads itong paid to read emails- you earn commissions from the earnings of those you refered.

Excited ka na ba? Teka teka, always remember na maraming scam na mga ganitong programs. Again, ung mga tipong tatakbuhan ka at di babayaran matapos sayangin ang oras mo. Kaya sabi nga ni John Lloyd ay “ingat!” Check the company background before joining any program, magtanong sa mga forums, i-search sa google at yahoo, tandaan: google is your friend. And after you do all these, decide weather you want to join or not. Ang totoo pong mabisang paraan para malaman kung ang isang program ay Scam o hindi is to join. As long as its free, you have nothing to lose.

Eto ung isang paid to read email na sinalihan ng friend ko. Kumita na sya dito ng $30.00. last month lang. Ang liit naman! Bakit? Sinong ayaw ng $30.00 dollars monthly ng walang kapagod-pagod- Emailcaschpro.

Sya nga pala, wag na natin pag-usapan ung “paid to surf” programs. I don’t recommend this kind of programs because it requires a member to download a software that may contain malware and spywares. In short, mamomroblema ka lang sa virus. Masira pa pc mo. I DO NOT recommend it for beginners. Pero bigyan ko kayo ng ilang information tungkol dito sa Paid to Surf program na to.

Ito ay isang program na wla kang ibang gagawin kundi magsurf sa internet gamit ang kanilang “mahiwagang” toolbar at kikita ka na. Kaya ko sinabing mahiwaga ay dahil ito nga po ung inerereklamo ng mga user nito na mayoon daw spywares, malwares at sapat na dami ng virus para sirain pati ang ulo mo.

Haaay. Tama na yang paid to surf na yan.

Isa pang money making program sa interenet ay "Get Paid To Fill Up Online Surveys". Ito ung mga programs na wala kang gagawin kundi ang mag-fill up ng survey ung iba ay may membership fee ung iba naman ay free to join. Ang kita dito ay depende sa qualifications mo. Kung ikaw ay qualified sa isang specific na surevey papadalhan ka nila ng email na inviting you to fill that survey. Pagkatapos mo ma-fill-upan ung survey ay babayaran ka nila through paypal. Ung iba ay sinasabi na kumikita sila ng max $150 for each survey. Pero hindi naman daw sila madalas ma-invite to fill a survey. Once or twice a month lang daw. Kung interested kayo sa online survey na sinasabi ko eh i-google nyo na lang o kaya hanapin nyo sa page na to. Parang may link ata jan sa gilid eh..

Pero tandaan nyo: bago kayo mag-join sa kahit na anong money making program eh i-background check nyo ung company. Bisitahin nyo muna ung site nila tapos look for their Terms of Service. Read it carefully.


Nagugutom na ko. Kain muna ako. Balik na lang kayo ulit. Sa next post ko, tatalakayin naman natin ung paraan para kumita sa blog. At kung ano nga ba ung blog para sa mga beginners na nagbabasa nito. Take note: may mga mga pinoy na kumikita ng hundreds and even thousands of dollars per month sa pamamagitan ng pag-bla-blog.

Kaya stay tuned for more of “Paano Kumita Sa Internet?”

Cheers!


Mingkoy




Paano Kumita ng Pera sa Internet?

3 comments:
Welcome to Pera-Sa-Internet. Ang website na ito ay ginawa ko para sa mga Filipino na gustong kumita sa internet.

Marami sa ating mga pinoy ang naghahanap ng extra income dahil sa hirap ng buhay ngayon. Many Filipinos are looking for extra income today because of the poor economic situation. Monthly salaries from our regular jobs are not enough that's why many filipinos are seeking ways to earn extra money.

Ang di po alam ng marami ay pwedeng kumita gamit ang computer at ang internet. Malamang po na nabalitaan nyo na may ilang Filipino na kumita ng malaki gamit ang internet. Kung matatandaan nyo, may isang episode sa isang talk show titled "Mel & Joey" ay na-feature ang isang pinoy na kumita sa pamamagitan ng 'blog'. Mamaya po ay ipapaliwanag ko sa inyo kung ano ang blog at kung paano kikita ang isang pinoy sa pamamagitan nito.

Paano nga ba kumita sa internet?

Maraming sagot sa tanong nating ito. Try nyo po, mag search kayo sa google or yahoo i-search nyo ang "paano kumita sa internet?" or if you want it in english: "how to make money online?" at siguradong ang resulta nito ay milyun-milyong sagot sa inyong search. Pero tama ba ang mga ito? Totoo nga kaya? baka naman eklabu at kalokohan lang or joketime hehe lang. Well, yung iba ay totoong kikita ka yung iba naman ay mga scam lang at yung iba naman ay sasayangin lang ang oras mo at iinisin ka lang at malamang matrauma ka pa at di na humawak ng pc forever. To tell you the sad truth karamihan sa mga sagot na lalabas sa search results ay ang mga sagot na hindi nyo hinahanap pero may ilan pa rin naman na tunay na mapapakinabangan nyo. Ang sumusunod ay ang ilan sa mga tinutukoy ko:

Update July 8, 2012: Punta kayo dito: make money with Technowise360para matutunan kung paano kumita ng pera through internet sa maliit na 360 pesos na puhunan.

Money Making Programs. Tulad ng Paid to Click ads, Paid to Read E-mails, Paid to Surf, etc..
Itong mga money making programs po na ito ay naglipana sa internet. Pero ingat ka sa pag-join sa mga to dahil karamihan sa mga ito ay scams hala ka... Teka, alam ko nagtatanong ka na sa isip mo kung ano ba tong 'Paid to Click Ads', Paid To Read E-mails' at 'Paid to Surf ' na to eh. Unahin natin ung 'Paid to Click Ads'.

Paid To Click Ads- ito ay isang money making program na wala kang ibang gagawin kundi mag-click ng ads tapos ibyu-view mo ung ads ng 30 seconds (tatlumpung segundo) at sa bawat pagclick na gagawin mo ay kikita ka na. Dollars po ang kita dito. Wow dollars $$! Naririnig kita. Wag ka, kailangan po ng tyaga dito, maraming maraming tyaga. At kailangan masipag ka magrefer kasi pag marami ka narefer mas kikita ka ng malaki sa pagkat ang sa kikitain ng na-refer mo ay may commision ka.
Pero always remember, tulad ng sinabi ko kanina... mag-ingat sa pag-join sa mga to kasi nga po ay maraming scam na mga ganitong programs- yung mga tipong tatakbuhan ka at di ka babayaran. But thank God meron pa naman na talagang nagbabayad sa mga members. Madali naman malaman kung scam o hindi eh. I-background check mo ung company. O kaya magtanong tanong kayo sa mga forums sa internet. Pwede nyo rin i-google, search nyo yung list ng mga legitimate paid-to-click programs. Teka lang po ah, meron akong alam na list ng mga Top paying sites eh. Check nyo na lang sa susunod kong post ha.

Update: eto na po ung list ng top paying Paid-to-click sites at mga Free to join lang po ung mga nandito. : click nyo to>>> [update: tinanggal ko na po ang link dahil lahat ng mga paid to click sites included in the list turned out to be scams. Magpatuloy lang po sa pababasa to para sa iba pang paraan ng pagkita ng pera sa internet.]

Read carefully then decide if you want to join.

Update ulit
: Pero para sa mga hindi interesado at nakakaalam na ng mga PTC sites na to, wag nyo na lang pansinin ung link na yan. Ang totoo po ay mas gusto ko na mag-focus kayo sa mga susunod kong ituturo sa inyo. Continue reading na lang po.

Good luck sa inyo.

Haay. Inaantok n ko. Yan na muna ngayon. Sa susunod na topic natin ay tatalakayin natin ung ibang paraan kung paano kumita sa internet. So come back soon here on "Pera Sa Internet".

Cheers!

-mingkoy

Eto po ung part 2 click here>>>> PART 2